Whatever happened to Jeric Raval? | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Whatever happened to Jeric Raval?

Whatever happened to Jeric Raval?

Jeff Fernando

Clipboard

050915-jeric_main.jpgNagbabalik pelikula ang 90s action star na si Jeric Raval sa pelikulang Manila's Finest, na nagsu shooting ngayon sa San Jose Del Monte, Bulacan. Isang pulis ang papel na ginagampanan ni Jeric at aminado siya na namiss niya ang pag gawa ng isang action movie.


'Nakaka-miss ang ganitong feeling na nagta-trabaho tayo ulit para sa isang pelikula. Nakakatuwa rin na nabubuhay na ulit ang action movies, na matagal na rin nawala at di napapanood.'


Sa mga panahon na hindi aktibo sa showbiz si Jeric, naging staff siya ni Senator Lito Lapid at pinasok din ang business ng pag buy and sell ng sasakyan. Nagkaroon din ng occasional guestings sa mga drama shows at sitcoms, pero hinanap pa rin ni Jeric ang makagawa muli ng isang action movie.


'Para nga po reunion namin ito, dahil kasama ko sa ulit si director William Mayo, Rommel Padilla, at ang mga staff na kasama ulit namin ngayon sa pelikula.'


Matagal nawala sa ganitong eksena si Jeric at aminado siya na naninibago siya ngayon sa shooting.


'Nakalimutan ko na nga kung ano itsura ng camera at ano mga gagawin kapag may shooting na ganito pero masaya ang pakiramdam na nakabalik ako sa isang bagay na gustong gusto ko gawin mula pa noon.'


Nakilala si Jeric Raval noong dekada 90 sa mga action movies gaya ng Bunso Isinilang Kang Palaban, Barkada Walang Artasan, Anghel Dela Guardia, Pistolero, Bagansya at marami pang iba na karamihan ay produced ng Octo Arts Films na mother studio ni Jeric noon.


Ipapalabas ang pelikulang Manila's Finest sa June kung saan kasama rin sa pelikula sina Bangs Garcia at Mark Anthony Fernandez.

Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.