• Home
  • Fresh Scoops
  • Joseph Marco says ‘Pasion de Amor’ is his sexiest soap to date

Joseph Marco on doing sexy scenes with Aubrey Miles: ‘Nag-enjoy ako’

Joseph Marco says ‘Pasion de Amor’ is his sexiest soap to date

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/10/2015 11:33 PM
Joseph Marco on doing sexy scenes with Aubrey Miles: ‘Nag-enjoy ako’
050915-joseph_main.jpgKahit kumakanta na at miyembro ng grupong Harana Boys na nag-release na ng kanilang first album from Star Music, naka-focus pa rin si Joseph Marco sa kanyang acting career. 

Pagkatapos ng matagumpay na Pure Love with Alex Gonzaga and Yen Santos, may bagong teleserye si Joseph—ang Pasion de Amor—kasama sina Ejay Falcon, Jake Cuenca, Ellen Adarna, Coleen Garcia, at marami pang iba.

Ayon sa singer-actor, ito na raw ang maituturing niyang pinaka-seksing teleseryeng nagawa niya sa ABS-CBN.

“Seksi talaga siya and it’s a good project. Ang ganda ng istorya, kakaiba,” pagmamalaki ng aktor sa Push.com.ph.

Ang akala noon ni Joseph ay pang-primetime ang Pasion de Amor pero sa huling announcement para sa programa ay sa Kapamilya Gold timeslot ito ipalalabas simula sa third week ng May.

“Sila naman ang nagdedesisyon pagdating sa ganung bagay... Nabanggit lang sa amin before na baka sa primetime kami, pero kahit na panghapon o pang-primetime wala namang problema do’n. Ang mahalaga, maipapalabas na kami. Maganda rin naman yung timeslot sa hapon na mababakante if ever, kaya okey lang,” sey pa ng aktor.

Gaano ba kaseksi ang Pasion de Amor? Palagi ba siyang magpapakitang flesh sa serye?

“Ang biruan nga namin don dahil palagi kaming naka-topless, ‘uy, gamit na gamit yung costume ah,’ Ang daming topless, puro topless.

“So, ako naman, ready naman ako kasi bago ko naman pinasok itong Pasion de Amor, eh, alam ko na sexy talaga... Ito talaga yung pinaka-sexy ko so far,” pag-amin ng aktor.

Ini-reveal din ni Joseph na may makakapartner siyang sexy actress na mas matanda sa kanya sa serye—si Aubrey Miles. Magkakaroon din daw sila ng mga maiinit na eksena sa Pasion de Amor.


050915-joseph_main.jpg“Siguro, mga eight years ang gap namin. Nagpaseksi din siya. Actually lahat, kahit yung three girls, nagpaseksi din dito—si Coleen, Ellen and Arci (Munoz). Talagang may mga sexy scenes din sila. Tapos mga love scene, ganu’n,” kuwento pa niya.

Eh, kumusta namang makapartner ang katulad ni Aubrey?

“Ako, nag-enjoy ako kasi bago siya sa akin eh. Eh, ako naman kasi, I’m very excited ako every time na may ita-try akong bago. And with Aubrey Miles, she’s very nice, hindi ko... Parang... ang bait niya at sobrang humble. So, kaya naman naging madali yung takbo ng work namin... I’m thankful talaga na siya yung nakakuha ng role na yon,” sey pa ng aktor.

Sa totoong buhay ay hindi naman pala particular si Joseph kung mas may edad sa kanya o mas bata sa kanya ang babaing kanyang magugustuhan.

“Sa akin, as long as type ko siya and gusto ko yung ugali niya, okey na sa akin yon kahit bata or matanda siya. Kasi feeling ko wala naman talaga sa edad yon, eh, nasa... kung match ung attitude n’yo, ‘di ba? Kung kaedad mo mga siya tapos immature naman, eh, ‘di balewala rin. Kung way older siya sa ‘yo tapos nagdya-jive naman kayo ‘di ba, so okey rin,” paliwanag ni Joseph.

Samantala inamin din sa PUSH ni Joseph na wala siyang girlfriend ngayon.

“Matagal na... matagal nang wala. More than three years na ata. Pero siyempre, hindi naman maawala yung date-date, pero after the day parang iisipin mo na sobrang busy mo and you want to grab this opportunity... saka ang hirap din, eh, mahirap pagsabayin.

“Kasi nu’ng model ako, parang ano, eh... parang pinagsawaan ko na yung ganu’n, eh. So sabi ko nung time na dumating sa akin yung opportunity na ganito sa ABS, sabi ko, I think it’s time para mag-sacrifice. Kasi for all of my life, wala akong isinacrifice. Puro enjoy lang ako, walang paki, parang happy go lucky, so ganu’n. Tapos yon, ngayon binigyan ko ng halaga yung ginagawa ko,” paliwanag pa niya.

Tinanong na rin namin si Joseph kung bakit tila hindi siya nababakante sa paggawa ng teleseye kasi nga after Pure Love, may Pasion de Amor naman siya.

“Well, feeling ko nakita rin kasi ng management na... nakita nila na hardworking ako kaya ganu’n. Di ba, kapag may bibigyan ka ng trabaho mas gusto mo yung hardworking, hindi lang magaling kumbaga yung masipag din. Siguro nakita nila yung kasipagan ko.”

Gagampanan ni Joseph sa Pasion ang role bilang  bunsong kapatid nina Jake at Ejay.