Sa kanyang pahayag sinabi ni Arum na nagpadala ng letter of appeal si Manny para isalba ang buhay ni Mary Jane Veloso. Naka-address ang nasabing sulat sa Presidente ng Indonesia na si President Joko Widodo. Sinabi ni Manny sa kanyang sulat na lalaban siya sa May 2 at sana ay wag kitilin ang buhay ni Mary Jane.
Matatandaan na kasama si Mary Jane sa nine convicts na napatawan ng death by firing squad sa Indonesia. Nabigyan ng last minute reprieve si Mary Jane, habang ang walo niyang kasama ay natuluyan nang napatawan ng death by firing squad noong April 29.
WATCH VIDEO HERE Manny Pacquiao, umapila para sa buhay ni Mary Jane Veloso