• Home
  • Fresh Scoops
  • Libiran is the only Filipino designer with his works on display at the museum.

Fashion designer Francis Libiran holds exhibit at the American Japanese Museum in the US

Libiran is the only Filipino designer with his works on display at the museum.

BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

05/01/2015 07:55 PM
Fashion designer Francis Libiran holds exhibit at the American Japanese Museum in the US
050115-libiran1_mainphoto.jpgGood news na ibinalita ng international fashion designer na si Francis Libiran na naka exhibit ngayon ang kanyang Hello Kitty inspired creations sa American Japanese National Museum sa Los Angeles USA. Tatagal hanggang May 31 ang exhibit at proud si Francis na siya ang nag iisang Pinoy na may obra na naka display sa nasabing venue.

"Nakaka-proud talaga lalo na the first time na makita ko na naka display ang mga gawa ko doon tapos nakalagay sa display ang name ko at marami visitors na nagpapa picture doon yun pa lang masaya na ako."

Unang nakita ang creations na ito ni Francis sa Americas Next Top Model Cycle 18, na gumawa ng positive na ingay sa fashionistas. Proud si Libiran na naka preserve ang kanyang gawa at tulad ni Hello Kitty, ay instant na nagkaroon ng maraming fans sa mga nakakakita dito

"Yan naman talaga ang goal ko sa bawat labas ko sa bansa natin dala ko ang ating flag at sinasabi ko talaga na isa akong Pinoy."

Ultimate goal ni Francis na sana madamitan ang Hollywood personalities gaya nina David Beckham at Gwyneth Palthrow. Marami pang pasabog na good news si Francis pero secret na lang daw muna at malalaman ito ng publiko sa last quarter ng 2015.

050115-libiran1_mian.jpg

050115-libiran2_mian.jpg

050115-libiran3_mian.jpg

050115-libiran4_mian.jpg