Isabelle Daza talks about her love-hate relationship with mom Gloria Diaz

Isabelle Daza talks about her love-hate relationship with mom Gloria Diaz-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/09/2015 08:21 AM
Isabelle Daza talks about her love-hate relationship with mom Gloria Diaz
040815-isabelle_main.jpgSpecial para sa bagong Kapamilya na si Isabelle Daza na mabigyan siya ng solo press conference kasama ang entertainment media para sa paparating na DreamScape teleserye na Nathaniel kung saan gaganap ng importanteng papel si Belle.

Nag share si Belle kung ano-ano na ba ang mga paghahandang ginawa niya para sa kanyang role na isang lawyer.

"Nag-research ako on how to be a lawyer, nanood ako ng mga hearing sa courtroom kasama na ang manood ng movies na may theme na ganyan. Nag-workshop din kami ni Gerald Anderson for three days, ‘di pa kasi kami magkakilala kaya importante rin sa amin yun workshop."

Looking forward din ang kanyang ina na si Gloria Diaz na mapanood ang anak sa kanyang unang Kapamilya serye na papalit sa Dream Dad kung saan kasama naman si Gloria.

"Excited siya pero mayroon din siyang kaunting you know. Kasi kami ang papalit sa Dream Dad na kasama siya pero lagi niya naman sinasabi na do well."

Aminado si Belle na protective ang kanyang ina mula pa noon at hindi niya rin idi-deny na stage mother ito sa kanya.

"She’s trying not to be a stage mother, but she’s there. I think she’s just protective talaga pero she always makes me do what I want. Parang in the end lagi niya sinasabi sa akin na it’s always my decision."

Marami din daw silang napagdaanan na tampuhan ng kanyang mommy pero nakatulong daw ito kung ano siya ngayon.

"Tampuhan marami lalo na when I was growing up kapag hindi ako sumunod sa curfew pero ngayon less na kasi I'm older. May consultation pa rin sa kanya lalo na when it comes to my career. She’s [been] in the business for more than 40 years."

Sa pagpasok niya sa showbiz, busog daw siya sa advice mula sa kanyang mommy.

"Lagi sinasabi sa akin ng mom ko na ‘You’re only as good as your last take, you’re only as good as your last show. At kahit na pagod ka 4 am, 5 am, isipin mo ang mga crew, ang mga staff na nandiyan sa paligid mo to make your life comfortable so don’t complain and do your best.’"

Nai-share din ni Belle kung paano siya nagre-react sa bashers at negative comments tungkol sa kanya.

"I think you just have to take it with a grain of salt. Kung kulang sa acting, eh ‘di mag-adjust. What I’ve learned from showbiz is that you cannot get all this love without getting some hate so magkakaroon talaga ng mga tao na ayaw sa iyo or bashers so you just have to learn from it."