Aktor, walang leading lady dahil sa selosang dyowa niya

BY OGIE DIAZ

FRESH SCOOPS

4/9/2015 11:44 PM
Aktor, walang leading lady dahil sa selosang dyowa niya


040915-blinditem_main.jpgKaya pala hindi na binigyan ng leading lady sa teleserye ang gwapong aktor ay dahil selosa daw ang dyowa nitong aktres.

Sabi ko naman sa kausap ko, "Huh? Paano siya magkaka-leading lady eh parang hindi naman pwede sa role niya. Pero kung ganun naman kagwapo talaga yung bida eh kakalimutan mo ang role niya at pagpapantasyahan mo talaga siya, hahahaha!"

Sabi naman sa akin ng source kong production staff, "Naku, Mama Ogs, kung alam mo lang. Takot sa dyowa ang ibang girls, lalo na't lapit nang lapit sa lalake yung mga nakakasama nitong girls sa teleserye.

"Eh, di ba, ilang beses nang nanugod yang dyowa niyang tigresa ng mga girls?"

Sabi ko naman, "Eh, baka naman kasi flirty-flirty ang mga dumidikit sa dyowa niyang guwapo, kaya ganun ang attitude niya?"

"Pero ang latest, mama. Ang lola mo, nagsumbong sa top management dahil lang sa nakita niyang post sa Instagram ng tatlong girls na ka-network niya na masayang nag-post kasama ang dyowa niya sa isang bonggang event ng network nila. Ngitngit na ngitngit siya. Sabi pa nga niya, 'Ang lalandi talaga ng mga hitad na yan!'

"Ayan, kakaselos niya, siya mismo ang gumagawa ng ikasasama ng loob niya. Malay natin, baka sinadya ng mga hitad na i-post ang pic with her dyowa para lalo siyang asarin?"

Anyway, ako'y nakikinig lang naman sa tsika. Baka naman may iba pang dahilan si Aktres para mairita sa mga hitad.

Mga hitad daw, o!