• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress admits their relationship is going through some challenges.

EXCLUSIVE: Ara Mina reacts on rumors she and Mayor Patrick Meneses have separated

The actress admits their relationship is going through some challenges.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/08/2015 08:30 AM
EXCLUSIVE: Ara Mina reacts on rumors she and Mayor Patrick Meneses have separated
040715-ara_main.jpgMarami ang nagulat sa kumakalat na balitang hiwalay na diumano ang aktres na si Ara Mina at ang mayor ng Bulakan, Bulacan na si Patrick Meneses. Nasulat na rin ito sa ilang tabloids at pinag-uusapan na sa apat na sulok ng showbiz pero hanggang ngayon ay wala pa ring reaksyon tungkol dito ang couple.

Huli naming nakitang magkasama sina Ara at Mayor Patrick sa reception ng binyag ng kanilang anak na si Amanda Gabrielle (Mandy) sa Corinthian Gardens nu’ng Mary 17, exactly three months after ipinanganak si Mandy.

Bandang 2:42 ng hapon (Tueday, April 7) ay nakatanggap kami ng text mula kay Ara about her stand sa issue. Ito ang kanyang official statement.

“Tito Leo, eto po ang aking statement para sa lahat. Pakitulungan na lang po ako,” lahad niya sa text.

“Para sa mga kaibigan at taga-suporta naming ni Pat, maraming salamat sa inyong concern. An gaming pinagdadaanan sa ngayon ay bagay na hindi lamang sa amin nangyayari as a couple.

“Ito ay isang pagsubok na nararanasan ng mga taong nagmamahal at nasa isang relasyon. Kung anuman itong pagsubok na aming hinaharap sa ngayon, naniniwala akong malalampasan naming ito.

“Hinihiling ko po ang inyong malalim na pang-unawa at mataimtim na dasal, alang-alang sa aming anak. Maraming salamat po,” laman ng kanyang statement.

Idinagdag din ni Ara sa kanyang text sa amin na, “Kapag ready na ako makipag-usap I will call you. Just want you to know din na wala kaming pinag-awayan o walang away kami ni Pat.”

Halos apat na taon na ang relasyon nina Ara at Pat at nakapanghihinayang na mauuwi lang sa wala ang lahat. Hangad naming maging maayos ang lahat para sa dalawa.

Mainphoto credit to @realaramina IG