Buboy Villar reveals his ‘Kid Kulafu’ journey

Ipapalabas na sa April 15 ang pelikulang Kid Kulafu na maglalahad ng kuwento ni Manny Pacquaio sa kanyang simula sa mundo ng boxing.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/7/2015 8:25 PM
Buboy Villar reveals his ‘Kid Kulafu’ journey


040715-buboy_main.jpgIpapalabas na sa April 15 ang pelikulang Kid Kulafu na maglalahad ng kuwento ni Manny Pacquaio sa kanyang simula sa mundo ng boxing.

Nakausap ng Push.com.ph ang lead actor ng pelikula na si Buboy Villar na isa sa mga winners noon ng talent show na Little Big Star. Proud si Buboy sa pelikulang nagawa niya at masasabi niya na ito na ang pinaka malaki niyang break bilang artista.

"Siyempre po nakaka-kaba at excited kasi kahit nagawa na namin ang pelikula hindi natin alam kung ano magiging reaction ng mga makakapanood at ni idol Manny pero positibo po ako na magugustuhan nila kasi pinaghandaan po talaga ang pelikula na ito."

Hindi rin naging madali para kay Buboy ang auditions na pinagdaanan para makuha ang title role na ito.

"Para nga po matira matibay sa auditions namin dito kasi ang dami po namin mga bata na nag-audition. Pinababalik po ang mga nakapasa tapos may ipapagawa na naman bago. Noong una po hindi namin alam na para pala ito sa role ni idol Manny. Basta noong una pinapa-arte kami, pinapa-iyak. ganun. Siguro po mga isang taon ako pabalik-balik para sa auditions tapos po noong isang balik ko sinabi na nila na ako na nga daw po ang gaganap sa role naiyak po ako sa tuwa."

Habang nasa shooting hindi rin naiwasan na tamaan ng suntok si Buboy pero nakasanayan niya na rin at bahagi ito ng kanyang papel.

"Dalawang beses po nangyari na tinamaan talaga ako. Nasuntok talaga ako sa mukha habang sa shooting pero okay kang po yun para sa ikakaganda naman ng pelikula."

Nagkaroon din ng pagkakataon si Buboy na nakilala ng personal si Manny na nagbigay ng inspirasyon sa kanya.

"Habang ginagawa po ang pelikula nagkaroon ng chance na makilala ko po ng personal si idol Manny sa bahay nila sa Gen San. Ipinakita po ni Direk Paul ang teaser ng movie na ginawa niya. Sabi po sa akin ni idol Manny na galingan ko daw at nagpasalamat siya."

Wish ni Buboy na marami ang makapanood ng pelikulang natapos at pinaghirapan nila. Dito daw ay mas makikilala natin si Manny at ang kanyang mahirap na pagsisimula.

"Makikita po nila sa pelikula na hindi madali ang pinagdaanan ni idol Manny bago siya nakilala. Kapupulutan po ito ng inspirasyon sa mga makakapanood."

Mainphoto credit to starcinema.abs-cbn.com