• Home
  • Fresh Scoops
  • Siblings Maxene and Elmo Magalona seek each other’s advice when it comes to work.

Maxene and Elmo Magalona open up about sibling rivalry

Siblings Maxene and Elmo Magalona seek each other’s advice when it comes to work.

Maxene and Elmo Magalona open up about sibling rivalry-Krissa Donida
BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

04/04/2015 08:02 AM
Maxene and Elmo Magalona open up about sibling rivalry
040315-magalonas_main.jpgParehong nakapanayam ng Push.com.ph ang magkapatid na Elmo at Maxene Magalona. Dito inilahad ni Elmo ang kanyang damdamin sa naging desisyon ng kanyang kapatid na lumipat sa Kapamilya network. “I am just really happy na nangyari ito as soon as possible because it’s her first year in kapamilya and she is blessed, super with all the projects she has been getting and I am just really happy for her.” 

Dagdag pa ni Maxene, kailanman ay hindi naging kumpetisyon sa kanila ang trabaho o naging rason ng away sa kanilang pamilya. “Saka kami ni Elmo never kami nagkaroon ng rivalry ganyan, lahat kaming magkakapatid, eight po kaming magkakapatid and ni isang beses walang nag-aaway lalo na when it comes to work. Yung mga away naming maliliit na bagay as in yun… never about work, never.”

Ayon kay Elmo mas personal ang away nila na ikinatawa ni Maxene tulad ng, “Like, ‘bakit mo hiniram yung damit ko,’ kami ni Saab, Or ‘bakit mo kinain yung breakfast ko na sa akin naman talaga,’” dagdag ni Elmo.

Sa katunayan ay kinakausap din ni Maxene si Elmo kung ano ang maipapayo nito pagdating sa trabaho. “Mga ganyan lang pero sa work I also ask advice from Elmo na, ‘Elmo anong tingin mo dapat ko ba itong gawin?’ and he also asks advice from us.”

Para rin kay Elmo, “Siyempre mas matagal na siya sa business and I also ask her kung ano yung mga tips niya sa akin kung tama ba itong ginagawa ko. I am really happy that I still get to talk to her even if she… [transferred].

Sa katunayan, kuwento ni Elmo ay lagi niya ngang pinapanood ang kapatid sa Your Face Sounds Familiar. “Yes, I give my support to her. Every time and nanonood ako and ang masasabi she really does have fun when she performs on stage and ginagaya niya.”

Patindi ng patindi ang kumpetisyon sa Your Face Sounds Familiar linggo-linggo, kaya naman natanong ng Push si Maxene kung paano niya nadadala ang ganitong klase ng pressure, “Ay hindi ako naman kasi I understand that I am not a singer, compared to the others na singer talaga sila but the most rewarding thing for me is to be on the show and to be amongst my co-performers kasi natututo po ako sa kanila and of course I get to learn so many tips.”

Masaya din si Maxene kapag nakakapagperform siya. “Masaya yung feeling. Kasi si Elmo, si Papa, sanay na sila magperform on stage sina Frank [Magalona], they write their own music but me this time it’s impersonating. It’s about becoming the person, it’s entertaining the people while you are doing it so it’s so much fun.”