• Home
  • Fresh Scoops
  • Some well-known personalities share what events changed their lives forever.

Celebrities reveal their life's turning points

Some well-known personalities share what events changed their lives forever.

Celebrities reveal their life's turning points-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

04/04/2015 08:04 AM
Celebrities reveal their life's turning points
040315-celebs_main.jpgIba't ibang pagsubok sa buhay ang nai-share ng ilang mga celebrities at kung ano ang natutunan nila sa pinagdaanan nilang ito. Malaki daw ang lessons na nalaman nila sa hindi nila makakalimutang chapter ng personal nilang buhay at proud silang nai share kung ano ano ang mga ito.

Malaking shock para kay Iza Calzado ang pagpanaw ng kanyang mga magulang partikular na ang kanyang tatay na si Lito Calzado noong 2011. Dito natutunan niya na mas mahalin ang kanyang pamilya at ang kanyang sarili.

"When something suddenly happens and it shakes you to the core. Yung talagang nayanig ang buong pagkatao mo at bigla kang napakapit sa Diyos, alam mo na yun. Doon mo talaga ma-realize, para sa akin, doon ko na realize na kailangan ko ang Panginoon, kasi imbes na kumapit ako sa ibang bagay at ibang activities o paniniwala na hindi makakabuti sa akin. So glad na natuto akong manalangin at maniwala."

Para sa X Factor Philippines winner na si KZ Tandingan, ang pagkapanalo niya sa reality talent show ang malaking bahagi ng pag-unlad ng kanyang buhay pero kasama nito ang pagiging public ng bawat detalye ng buhay niya na matagal bago niya natutunan tanggapin.

"Sobrang gumanda ang buhay ko pero at the same time meron ding mga parts noon na sobrang natetest ang character ko. Natest iyung kung ano ako as a person, at papaano ako pinalaki ng parents ko. Kasi sobrang hirap din na andito ka sa isang industry na lahat ng ginagawa mo na ma-magnify."

Ang kontrobersyal na love life ng kanyang mommy na si Dr. Vicki Belo kay Hayden Kho ang struggle na matagal na pinag-daanan ni Cristalle Belo. Apektado dito ang kanilang pamilya. Ang pagpapatawad na natutunan niyang ibigay ang naging solusyon at sa ikagagaan ng lahat.

"Masakit para sa akin before pero nahanap ko naman na mag-forgive and to be mature about it. Siyempre masakit, hindi siya madali, dahil wala naman kami kinalaman. Dinala lang kami nito into controversies and issues. So talagang forgiveness."

Iniwan naman ni Ruffa Gutierrez ang mundo ng showbiz, ang Pilipinas at ang kanyang pamilya para manirahan sa Istanbul, Turkey at magsimula ng sarili niyang pamilya. Hindi man naging happy ending ang love story na ito ni Ruffa, nabiyayaan naman siya ng dalawang magagandang anak na inspirasyon niya ngayon.

"For me, I left the past behind and I went to Turkey to try it out there. And for me, new beginnings para sa akin yun and nakaroon ako ng dalawang babies."

Proud ang ating mga celebrities na nalagpasan nila ang struggle na ito sa kanilang buhay at mas nagpatibay pa sa kanilang pakikipaglaban sa araw-araw.