• Home
  • Fresh Scoops
  • Erich Gonzales on her present relationship status: 'I'm single again'

Erich Gonzales on her present relationship status: 'I'm single again'

BY DARLA SAULER

FRESH SCOOPS

4/28/2015 1:28 PM
Erich Gonzales on her present relationship status: 'I'm single again'


042815-darla_blog.jpg

Matapos ang maraming speculations at intrigang pagkakamabutihan nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga, na ninenega ng iba dahil alam nga ng karamihan na committed si Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend, finally nilinaw na ng aktres ang kasalukuyang estado ng puso niya. 

Kanina sa Kris and Bimby Summer TV, prangkahan nang tinanong ni Kris Aquino si Erich kung single na ba siya ngayon. "I am single again," ang diretso ring sagot ni Erich. More or less tumagal ang relasyon nila ng kanyang ex-boyfriend, na napabalita pang fiance na raw niya. Isyung sinagot naman ni Erich na hindi totoo. 

Mas lalo tuloy ngayong umiinit ang speculations na nagkakamabutihan na talaga sina Dandan at Erich. After their sweet moments captured in photos during their Hongkong trip, nakita rin natin ang posts nila working out together. Sa viewers ng Kris TV, alam naman nating vocal si Erich na ayaw o hindi siya naggi-gym. Pero now nasa gym na siya with Dandan, who even referred to her as "spartan baby." Alam naman nating "spartan" ang tawag kay Daniel ng followers niya mula sa PBB. 

Kung matatandaan, sa Kris TV unang nabuo ang DanRich loveteam. March of last year.