• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim says she just wants to share an album full of happy songs for her fans.

Kim Chiu reacts to being compared to Kathryn Bernardo and Alex Gonzaga's singing

Kim says she just wants to share an album full of happy songs for her fans.

Kim Chiu reacts to being compared to Kathryn Bernardo and Alex Gonzaga's singing-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/27/2015 09:06 PM
Kim Chiu reacts to being compared to Kathryn Bernardo and Alex Gonzaga's singing
042715-kim_main.jpgEight years since her first solo album, Kim Chiu said she is proud of her newest project with Star Music Chinita Princess which she also helped produced along with ABS-CBN executives Malou Santos and Roxy Liquigan. 

“Ito na siya. Ito na yung gift ko sa lahat ng sumusuporta sa akin. Part lang ako (producer), siguro mga on fourth lang ako dito pero nakaktuwa, it's part of growing up siguro sa pagma-mature sa industriyang ito, yung pagbigay mo ng opinion mo rin. At least mas personalized yung album,” she shared. 

Kim also said she is interested in composing her own songs someday. 

“Puwede naman. Meron naman kaming ginawa ni Xian Lim pero hindi lang umabot. Baka sa ibang panahon na lang yun. Pag ako lang hindi ko kayo magsulat ng kanta mag-isa. Siguro collaboration na lang.” 

Apart from singing and producing, Kim shyly admitted she also helped with the conceptualizing and directing her music videos. 

“Hindi naman, kayo naman. Ito parang sa Star Music kasi hinayaan nila ako na magbigay ng mga sarili kong input. Like yung single ko na Mr. Right dito sa Vanilla Cupcake na restaurant maganda kasi nandun yung kuwento ng kanta, may icing, may mga cupcakes, basta mga idea idea ko lang naman yun na sinabi ko tapos kung papano yung mga shots very light. Siyempre ang tagal ko na ring umaarte sa industriya, siguro alam ko na rin kung paano yung maghatid ng kuwento. 

"So ayun, nagusap kami nila direk, sila nung mga creatives. Tapos ayun mapapanuod niyo na siya sa April 26. Tapos nag-request kami ng iba't ibang klase ng mga lalake, ganun naman talaga kasi maraming all types of guys. Ikaw na ba si Mr. Right? May mga serious, may mga sporty, may mga ganun,” she explained.

Kim said her album is all about living a positive life. 

“Yeah kasi gusto ko masaya lang, happy lang lahat and positive lang. Kas pag puro drama parang hindi na masyadong okay (laughs). Itong album ito it represents my state of mind today, as of the day we planned this album and I also want people to know that dapat masyaa lang, dapat we're happy and life goes on,” she told the press.
The 25-year-old actress added she is even ready for bashers of her singing. 

“Kaya inunahan ko na sila sa (song ko na) 'Say We Dont Care.' Ganun naman talaga, hindi mo naman ma-pi-please ang lahat ng tao and you just have to do your best and ito na yung pinaka-best ko. Bahala na lang sila maghusga.” 
The pretty chinita shared she has always been active in singing even before she realized she could act. 

“Sa loob ng PBB kumakanta na ako, tapos sa school namin medyo active na ako sa extra-curricular activities. Hindi po ako sa brainy side, dun ako sa pakanta kanta, pa-declamation, pasayaw sayaw, pa mga Linggo ng Wika school of acting, ganun (laughs),” she recalled. 

With other celebrities like Kathryn Bernardo and Alex Gonzaga releasing their own albums recently, Kim said she is not bothered if ever she would be compared to them.

“Siyempre iba iba naman kami ng klase ng boses. At saka sa lahat ng mga nakakakilala sa akin, pag pinakinggan nila itong kanta ko, parang masasabi nila na yun yung state of mind ko ngayon and gusto ko maka-inspire, gusto ko pagkatapos niyo pakinggan ang mga kanta ko masaya kayo.” 

When asked if she ever dreamed of holding a solo concert in Araneta Coliseum someday like other aspiring artists, Kim revealed she just likes things to happen naturally. 

“Hindi ko alam eh. Ako gusto ko unti-unti lang. Siyempre ako go with the flow. Kung anong meron tatanggapin. Ako yung tipong tao na kung ano yung meron ngayon yun lang yung i-nu-nurture ko and nananamnamin ko. Kung ano yung parating, ayokong mag-expect. Baka hindi mangyari or baka hindi matupad. Happy-go-lucky lang,” she answered.