Rico J Puno to undergo open heart surgery

The OPM legend was admitted at the Makati Medical Center last Thursday.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/25/2015 10:45 AM
Rico J Puno to undergo open heart surgery


042515-rico_main.jpgApril 21, Martes, hirap nang huminga si Rico J Puno pero naka attend pa ito ng regular taping ng Home Sweetie Home, kung saan isa siya sa regular cast. 

Matapos ang dalawang eksena, pupunta sana sa second floor ng studios si Rico pero hirap na ito sa pagakyat ng stairs. Dinala siya sa clinic para obserbahan at pinauwi na ng bahay. 

Kuwento ng kanyang live in partner na si Queenie, Huwebes na ng pumayag si Rico na magpa-check up sa Makati Medical Center at doon nai-confine na. 

Nasa ICU ngayon si Rico pero parang wala daw ito sakit dahil hyper ito at panay ang kuwento sa mga bisita at ilan ay mga kaibigan sa showbiz tulad nina Richard Merck at Marco Sison. Kinakantahan pa nga daw ni Rico ang mga hospital staff para malibang siya.

7AM naka schedule ng andiogram at aorta artery bypass operation si Rico kanina at base sa resulta na makukuha dito kung ano ang isusunod na procedure sa kanya. May bara daw ang aorta ni Rico na kailangan na linisin.

2012 ng unang ma diagnose ng mga duktor ng hyper tension si Rico matapos mahilo sa kanyang concert sa Resorts World.

Humihingi ng mga dasal para sa kanyang kalusugan ang kapatid ni Rico na si Jun. Present din sa ospital ang anak ni Rico na si Tosca Puno na Councilor ngayon sa Makati.

62 years old na ngayon si Rico Puno at isa sa living legends ng Original Pilipino Music o OPM at nagpasikat ng mga kantang "May Bukas Pa," "Macho Guwapito," "Sorry Na Pwede Ba" at "The Way We Were."