Who will Jana Agoncillo miss the most when Dream Dad ends?

Dream Dad's cast admits their friendship on the set is one of a kind.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/17/2015 11:49 PM
Who will Jana Agoncillo miss the most when Dream Dad ends?


041715-dreamdad_main.jpgPinuntahan natin sa Hacienda Bigaa sa Calatagan Batangas ang Dream Dad cast kung saan magaganap ang taping ng kanilang huling episode. Inabutan natin na sabay sabay nagla-lunch break at nagta-tanghalian sa isang malaking table ang cast at masayang nagku-kuwentuhan.

Ayon sa kanila ito daw ang kanilang mami-miss kapag wala na silang taping. Isang pamilya na daw sila sa show na halos araw araw na magkakasama.

Para kay Zanjoe, masarap ang samahan nila sa Dream Dad Family.

"Siyempre hindi namin makakalimutan ang nabuong pamilya dito sa show ang samahan dito mula sa cast sa staff at mga crew mami miss ko yung everyday na nakikita at ka trabaho ko sila."

Magkahalong lungkot dahil magtatapos na ang kanilang show at excitement sa pagdating ng bagong blessings ang nararamdaman ni Beauty Gonzalez

"Mami-miss ko silang lahat, si Baby, mami-miss ko lahat ng kasamahan, dito si direk, nakakalungkot pero alam ko naman na magkikita kita pa kami."

Ang veteran actor at Umagang Kay Ganda host na si Ariel Ureta, marami ng nagawang teleserye pero espesyal daw ang Dream Dad para sa kanya dahil sa maganda ang tahi ng kanilang kuwento at kung paano ito ilahad sa kanilang viewers.

"Magaling ang pagkakasulat lumalabas na ang gagaling namin kasi ang ganda ng pagkakasulat."

Nakita rin natin ang child star na si Jana Agoncillo na ipinakilala sa Dream Dad. Tinuturuan si Jana ng bagong kanta na mapapanood sa huling episode ng palabas. Ayon kay Jana lahat mami-miss niya pero meron siyang pinaka mami-miss

"Si Daddy Zanjoe po ang pinaka mami-miss ko kasi siya po pinaka mabait sa akin. Salamat po sa lahat ng nanood ng Dream Dad"

Consistent na mataas ang ratings ng Dream Dad mula ng magsimula ito noong November at maganda ang naging reviews dahil sa positive na istorya.

CHECK OUT #DreamDadYesYesYesFinale taping PHOTOS HERE