• Home
  • Fresh Scoops
  • Mariel Rodriguez says she is trying to move on after suffering a miscarriage.

Mariel Rodriguez on her miscarriage: ‘para akong baliw’

Mariel Rodriguez says she is trying to move on after suffering a miscarriage.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/15/2015 11:45 PM
Mariel Rodriguez on her miscarriage: ‘para akong baliw’
041515-mariel_main.jpgNatutuwa si Robin Padilla bumalik na sa hosting ang asawa niyang si Mariel Padilla. Ito mismo ang kuwento ni Mariel nang makaharap siya ng ilang members ng entertainment press during the presscon of Happy Wife, Happy Life ng TV5 kung saan isa na siya sa sa bagong co-host nina Danica Sotto Pingris at LJ Moreno Alapag.
 
Kamakailan lang ay nagkaroon ng miscarriage si Mariel. Ayon sa kanyang kuwento, eight weeks na ang bata pero wala itong heart beat kaya nalaglag. Ang pagbabalik daw niya sa hosting job ay malaking tulong para makapag-move on siya kahit papaano sa nangyari sa kanya.
 
“It came in very timely, itong show na ‘to, sabi ko nga, ganun ako kamahal ni God. Kasi ayaw ni God na matagal ako mag-dwell dun sa pinagdaanan ko. Gusto Niya agad na makapag-move-on na ako and He gave me this project.
 
“Kasi nakikita niya that I’m really enjoying what I’m doing and it really helped a lot. This show is start of my... hindi naman second chance, pero parang binigyan niya ako ng sigla ulit. Totoo po iyon. So I’m really very grateful,” pahayag ni Mariel.
 
“Tuwang-tuwa nga si Robin na meron akong ginagawa. Masaya siya para sa akin. Ito kasi talaga ako, eh. Gustung-gusto ko talaga ang mag-host and parang in a way, naging therapy na rin ito sa akin,” dagdag pa niya.

Eh, paano ba niya tinanggap ang pagkawala ng kanyang baby?

“Wala ka namang choice (kundi tanggapin). May mga bagay na wala ka talagang choice. Alangan namang magmukmok ako for life. Pero nahirapan ako talaga,” dagdag pa niya.

“Alam niyo ba, may mga times na akala ko okay ako, tapos parang akong baliw. Iyak ako nang iyak. Bumili ako ng mga baby clothes, tapos pag nakikita ko ‘yon iyak na naman ako. Tapos minsan may makikita akong parang may nanganganak sa TV, ‘yon, umiiyak na naman ako,” pagpapatuloy niyang kuwento.

Naalala din ni Mariel na nakakita siya ng butterfly sa kanilang bahay bago siya nakunan.
 
“There was a butterfly. Nagkaroon ng butterfly sa loob ng bahay, eh, super-sarado naman nung bahay namin. Tapos sabi ko, ‘Bakit nagkaroon ng ganito dito, bakit nagkaroon ng butterfly sa house?’” sambit pa niya.

Nakunan din daw niya ito ng video habang lumilipad. At ang sabi sa kanya ni Robin, baka nagpapaalam na sa kanya yung baby.

"Alam mo, the day after that, dun ako mag-start mag-bleed,” sey ulit ni Mariel.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Mariel na makakabuo ulit sila ng baby ni Robin.

“Hindi pa ngayon puwede kasi may one month na bawal (mag-sex) kasi kaka-raspa ko rin lang. Isang buwan daw,” tsika pa ni Mariel.