Empress Schuck reveals she is 3 months pregnant

The actress apologizes to her mother for disappointing her.

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

4/12/2015 8:19 PM
Empress Schuck reveals she is 3 months pregnant


041115-empress_main.jpgSa panayam ni Jennylyn Mercado para sa Startalk, ibinunyag ni Empress Schuck na siya ay nagdadalang tao.

Sinabi ng 22-year-old actress na may hinala na siyang buntis siya kaya’t nag pregnancy test siya kasama ng kanyang boyfriend.

“Kasama ko yung boyfriend ko nun tapos may feeling na talaga ako. So I took a test, ayun nalaman naming na magkakababy na kami.”

Ang ama ng kanyang dinadala ay ang boyfriend na si Vino, isang family friend at tubong Zamboanga din tulad ni Empress.

Aminado naman ang young star na natakot siya nang makita ang resulta ng test.   
“Siyempre at first unti-unting nagsisink in pa lang sa akin. Biglang breakdown. Iyak talaga ako… Siyempre yun talaga ang una kong naisip, takot ko talaga. Kasi di ko alam talaga ang gagawin ko. Di ko alam magiging reaction ng mga kaibigan ko, pamilya ko, ng public, ng katrabaho ko sobrang takot talaga. Sobrang confused talaga sa kung anong mangyayari at dapat kong gawin,” lahad niya kay Jennylyn na kasamahan niya sa management company ni Becky Aguila.  

Kasama si Becky, Vino at ina nito, nireveal din agad ni Empress ang katotohanan sa kanyang ina. “Talagang hinanda ko ang sarili ko na hindi magiging madali. Ang reaction ni Mama siyempre nagalit siya. Pagkatapos nun naging ok na. Naglabas lang [siya ng galit.] Alam ko andyan sila para sa 'kin."

Nagpasalamat at nagsorry din si Empress sa kanyang mommy dahil nadisappoint niya ito.

Nagpasalamat din ang actress sa kanyang manager dahil sa 17 years na samahan nila ay hindi siya nito pinabayaan at full support pa din ito sa kanya.

Main Photo credit to empressita IG