Zoren Legaspi admires Liza Soberano's professionalism

Tumatakbo na ang book 2 ng high-rating series na Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

4/2/2015 12:29 AM
Zoren Legaspi admires Liza Soberano's professionalism


040215-zoren_main.jpgTumatakbo na ang book 2 ng high-rating series na Forevermore na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Ayon sa isa sa cast ng serye na si Zoren Legaspi na gumaganap na ama ni Enrique, hindi pa nila alam kung kailan ito matatapos.
 
Dahil sa Forevermore, sumikat ang baguhang si Liza. Para kay Zoren, deserve ni Liza ang kasikatang tinatamasa niya ngayon dahil nakita niya kung paano ito magtrabaho sa set ng teleserye.

“Kahit two hours lang ang tulog nu’ng bata (Liza) hindi siya nagrereklamo. Sa napakabatang edad niya, napaka-professional na,” papuri ni Zoren sa dalaga.

Napapansin ba niya na unti-unti ng nagbabago ang ugali ni Liza dala ng kasikatan?

“Kapag superstar na siya, dapat lang talagang magbago. Dapat magkaroon na siya ng cut-off sa taping kasi kailangan ng alagaan yung mukha, yung schedule mas madami na. Kailangan well-rested na lalo na kung may commercial the next day.

“So, ang dapat lang hindi magbago, eh, yung ugali na bigla na lang nagtatapon ng makeup, na kung anu-ano na ang sinasabi. Pero honestly, sa nakikita ko, wala sa personality niya ang magbabago ng ugali. Very charming si Liza,” pagde-describe pa ng aktor.

Ayon pa kay Zoren, wala ring tendency na maging maldita si Liza kahit pa sikat na sikat  na siya.

“Kasi naniiwala ako na dapat ang mga sumikat ay yung mga mababait na artista. Ayoko yung mga sumikat na hindi pala maganda ang ugali. Maldita pala. Kasi hindi naman natin alam agad, eh, na maldita pala.
040215-zoren1_main.jpg“Kasi maraming deserving na sumikat. Unang-una yung talent ni Liza, nakita mo naman, 1,000 percent improvement. Pero bet ko talaga yan, at saka si Enrique. Mabait din yan. Wala ring bad attitude,” pagbi-build-up pa ni Zoren sa dalawa.

Naikuwento rin ni Zoren na nakita niyang pagod na pagod si Enrique sa taping pero hindi ito nagrereklamo. Hindi rin daw ito feeling sikat.

“May time na talagang sobrang pagod na siya, madaling-araw na rin ‘yon at wala pa talaga siyang tulog. Pero wala kang maririnig sa kanya. Puwede naman siyang makiusap na kinabukasan na lang ituloy yung shoot pero di niya ginawa. Tinapos pa rin niya. Very professional,” sey pa ni Zoren.

Samantala, masaya si Zoren na humahataw din sa ratings ang teleseryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, Maja Salvador kasama ang asawa niyang si Carmina Villaroel.

Naipalabas na ang controversial na kissing scene ni Mina at Paulo at inamin ng aktor na sinadyang hindi niya ito pinanood.