• Home
  • Fresh Scoops
  • Jolina Magdangal says she considers her fellow artists on ‘Your Face Sounds Familiar’ her co-performers more than her competitors.

Jolina Magdangal considers Jay R and Melai Cantiveros as strong contenders in ‘Your Face Sounds Fami

Jolina Magdangal says she considers her fellow artists on ‘Your Face Sounds Familiar’ her co-performers more than her competitors.

Jolina Magdangal considers Jay R and Melai Cantiveros as strong contenders in ‘Your Face Sounds Fami-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/02/2015 12:27 AM
Jolina Magdangal considers Jay R and Melai Cantiveros as strong contenders in ‘Your Face Sounds Fami
040215-jolina_main.jpgHindi ini-expect ni Jolina Magdangal na siya ang magta-top nung Sunday (March 29) sa Your Face Sounds Familiar show ng ABS-CBN. Ang music icon na si Cher ang na-assign kay Jolina at naging very impressive ang performance niya para sa kantang “Believe” nu’ng Sabado (March 28) at nagustuhan ito ng jury na binubuo nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Jed Madela.
 
Naiuwi ni Jolina ang premyong P100,000 na ang kalahati ay napunta sa kanyang chosen charity na KYTHE na isang organisasyong tumutulong sa mga batang may sakit na cancer.

“Masaya, masarap, kasi sabi ko nga, nung ako na yung nabigyan ng award na parang plake, iba pala yung feeling 'pag ganun. Kasi ang gagaling din ng mga kasama mo, um-effort talaga lahat. So, ang sarap ng feeling na nag-top ka," kuwento ni Jolina na nung first two weeks ay pumuwesto lang sa sixth place sa Your Face Sounds Familiar.

Ayon kay Jolina, nagdalawang isip siya noon kung tatanggapin ang offer na maging celebrity contestant ng Your Face Sounds Familiar. Mabuti na lang daw at tama ang naging desisyon niya na tanggapin ang offer.

“Noong una, kabado ako sa show na ito, kabado doon sa sense na, magdyo-join ba ako sa ganyan? Kasi, parang ayoko na ng pressure.

"Pero noong nag-usap kami ni Perry (Lansigan, manager niya) at nakausap ko rin yung mga taga-Your Face, nakakita ako ng excitement. Sabi ko, bakit ba ako kakabahan, eh, parang variety show lang ‘to

"Exciting nga ito kasi ngayon lang namin magagawa na loko-lokohin din ang sarili namin. At saka siguro, kung may kakumpitensiya kami, sarili namin iyon, kasi magkakaiba naman ng icons, eh.

"Ngayon, thankful ako na napa-oo ako doon. Tapos isinama nila ako doon na sa dami ng artists na puwede nilang isama doon, 'di ba?” kuwento pa niya.

Hindi itinituring ni Jolina na kalaban ang mga kasamahan niya sa Your Face Sounds Familiar. Bagama’t may kompetisyon, ang pakiramdam lang daw ng lahat ay nasa iisang variety show sila.

“Ang tawag nga namin sa mga sarili namin, co-performers, eh... Parang hindi namin naiisip na contestants kami,” paliwanag pa niya.

“’Yun ang iniiwasan naming ma-feel na kumpetisyon ito kaya nagsusuportahan kami. Before and after ng show, may communication kami lagi.

"Ako ang gumawa ng Viber group namin, para ang feeling hindi yung nagkikita kami 'pag show lang. Magkakaibigan na kami, nagbibiruan kami, nag-ookrayan kami sa Viber, yung mga ganun,” patuloy pa ni Jolens.

Kasama ni Jolina sa Your Face Sounds Familiar ang iba pang celebrities tulad nina Karla Estrada, Tutti Caringal, Maxene Magalona, Melai Cantiveros, Jay R, Nyoy Volante at Edgar Allan Guzman.
 
Eh, sino ba sa tingin niya ang strong contender sa programa?
 
“Alam mo, mahirap sabihin. Kasi nasa third week pa lang kami, eh. Pero ang talagang nakakagulat ay si Jay R. Tatahi-tahimik lang siya pero grabe, ang galing niya. Si Melai naman, iba yung binibigay niya, very entertaining siya,” sagot ni Jolina.