• Home
  • Fresh Scoops
  • Jan Marini wishes her 'ex-best friend' Claudine Barretto will find peace in her life.

EXCLUSIVE: Jan Marini on Claudine Barretto: ‘I hope she finds absolute peace in her personal life’

Jan Marini wishes her 'ex-best friend' Claudine Barretto will find peace in her life.

EXCLUSIVE: Jan Marini on Claudine Barretto: ‘I hope she finds absolute peace in her personal life’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/01/2015 10:27 PM
EXCLUSIVE: Jan Marini on Claudine Barretto: ‘I hope she finds absolute peace in her personal life’
040115-jan_main.jpgMatagal ding naging best of friends sina Jan Marini Pizarras at Claudine Barretto nu’ng panahong pareho pa silang active sa paggawa ng teleserye sa ABS-CBN. Nagkaroon lang ng mga hindi pagkakaunawaan kaya naputol ang kanilang pagkakaibigan.

Sa interview ng Push.com.ph kay Jan, hindi na niya binanggit kung ano ang dahilan ng falling out nila ni Claudine. Mahal daw niya ang dating kaibigan kaya hindi siya magbibigay ng pahayag na ikasasama ng loob nito.
 
“Alam mo, sobrang tagal na nung tampuhan na ‘yon… ano pa yon, 1999. Mula sa Puso days pa ‘yon. Madami nang nangyari, so I think ‘pag nagkita naman kami ngayon… parang okey na na naman,” pahayag ni Jan.

Huling nakita ni Jan si Claudine sa Podium nu’ng panahong ipinagbubuntis ng aktres si Santino. “Brief encounter lang yung pagkikita namin. Wala namang dedmahan. Nag-hi-hello. Sabi ko sa kanya, ‘Okey lang yan (ang pagbubuntis niya kay Santi).’ Tapos yon na, hindi na nasundan yung conversation.”

Pinilit namin si Jan na alalahanin ang “pinag-awayan” nila ni Claudine pero nakiusap siya na huwag na itong ungkatin pa.

“Matatanda na kami. Matagal nang tapos ‘yon. Move-on na tayo. Hehehe,” pakiusap niya.

“Pero alam mo, ang tingin ko talaga, ano lang ‘yon, eh. Kumbaga, miscommunication lang. Hindi ko alam, eh. Basta isang araw, isang taping day, sinabi na lang sa akin na, ‘Uy, galit sa ‘yo si Clau.’ Sabi ko naman, baka lang masama ang gising.
 
“Sa sobrang close namin ganu’n kami mag-usap… Halos magkasama kami araw-araw, so parang biglang kong naiisip na bakit kung galit siya sa akin, idadaan niya sa ibang tao? Bakit hindi na lang kami mag-away na kaming dalawa, ‘di ba? Kasi puwede naman kaming mag-away kasi nga close naman kami… ‘Yon… pero hindi ko talaga alam kung bakit,” patuloy niyang pagre-recall sa nangyari


040115-jan_main.jpgAyon pa kay Jan, masaya siya na unti-unti na ulit nagiging visible ngayon sa telebisyon and soon sa pelikula ang dating kaibigan.

“Natutuwa ako for her. Kasi alam mo si Claudine, she’s one of the finest actresses if not the finest actress of our generation. Si Claudine ‘pag umarte nararamdaman ng masa, nararamdaman ng tao. Siguro kaya rin ako naging effective na best friend ng bayan dahil nahasa ako sa kanya. So, sayang kung hindi niya mapu-put into practice kung ano yung greatest gift niya which is acting.

“Happy ako for her pero siyempre I would be happier if she finds absolute peace in her personal life… Siguro ‘yon lang, gusto ko lang din na makita siya sa  TV again. After all, she’s the ‘Teleserye Queen’ of this generation. Sana lang makabalik ulit, ‘di ba?” wish niya for Claudine.

Aware din si Jan sa mga pinagdaanan noon ng dating kaibigan lalo na sa pamilya nito at sa marriage niya with Raymart Santiago. Pero naniniwala si Jan na lahat ito ay malalampasan ni Claudine.

May message ba siya kay Claudine?

“Ang kailangan lang siguro namin ni Clau… alam mo hindi na nga namin kailangang mag-usap ng seryoso. Ang kailangan lang siguro ay magkaroon kami ng pagkakataon na magkita ulit. Ang tatanda na namin ‘no? Saka alam ko, ‘pag nagkita kami, hindi na namin pag-uusapan pa yung nangyari noon kasi matagal na namang tapos ‘yon,” sey pa ni Jan.

Samantala, ibinalita rin ni Jan na kasama siya sa remake ng Pangako sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Gagampanan niya sa series ang role noon ni Amy Austria.