Bangs Garcia reacts on Phil Younghusband dating Pia Wurtzbach

The actress signs up with Viva Entertainment.

Bangs Garcia reacts on Phil Younghusband dating Pia Wurtzbach-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/09/2015 10:17 AM
Bangs Garcia reacts on Phil Younghusband dating Pia Wurtzbach
030815-bangs_main.jpgShort hair at new look na Bangs Garcia ang humarap sa media para na rin sa pagpirna niya ng management contract sa Viva Entertainment.

Kontrobersyal pa rin ang love life ni Bangs at latest na nadikit sa kanyang pangalan ay ang football player na si Phil Younghusband. Aminado si Bangs na tumigil na ang kanilang pagkikita at si Pia Wurtzbach na kandidata ngayon sa Binibining Pilipinas ang bagong nali-link kay Phil. Naka move on na si Bangs at masaya siya para kay Phil.

"I've heard that and I'm happy for him hindi pa kami nagkausap ni Phil regarding that pero masaya ako para sa kanya. I support him sa lahat ng mga gusto niya."

Aminado si Bangs na ok silang magkaibigan ni Phil pero hindi bilang magkarelasyon. Anim na buwan din silang nag date at kinilala ang isa't isa at sa ngayon ay bago nang inspirasyon si Bangs.

"We stopped dating po November of last year pa, mas ok kami bilang friends, yan po ang isa sa natutunan ko last year na hindi porket ok kayo together hindi ibig sabihin noon ok kayo sa isang relationship. Sometimes mas ok talaga kung magkaibigan na lang. Ngayon i admit may nagpapa smile sa akin pero wala siya dito sa Manila nasa London siya, half-British din siya at kinikilala ko pa lang. He makes me smile."

Sa kanyang career, bagong talent na ipapakita ni Bangs ang pagkanta at type niya magkaroon ng album

"Gusto ko po explore naman ang pagiging singer at performer noon pa po kasi talaga pangarap ko na ang magkaroon ng album at music videos. Lately po lagi ko pinapanood at pinapakinggan music ni Marian Gil indie artist siya at electro pop ang tipo ng music niya na bago rin dito sa atin kung gagawin ko."

Iwas din daw muna siya sa pagpapa sexy at mahahanay muna sa mga romantic comedy themes na nauuso ngayon.

"Nagpa cut na ako ng hair so medyo bagets na ang itsura ko ngayon siguro kasali ako sa mga rom-com at wala muna pagpapa sexy this time kasi napatunayan ko na sarili ko sa temang ganun years ago medyo napaaga nga yun eh so ngayon back to zero balik tayo sa start."

Visual artist din si Bangs at isang exhibit ang pinag hahandaan niya ngayon na magaganap sa Ayala Museum after Holy Week.

IMG_0875.JPG

IMG_0879.JPG