• Home
  • Fresh Scoops
  • Rufa Mae Quinto reveals why she’s taking better care of herself now.

Rufa Mae Quinto says she went through a health scare

Rufa Mae Quinto reveals why she’s taking better care of herself now.

Rufa Mae Quinto says she went through a health scare-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/07/2015 12:01 PM
Rufa Mae Quinto says she went through a health scare
030715-rufa_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, binunyag ni Rufa Mae Quinto kung bakit nagkaroon siya ng health scare last year. Ayon kay Rufa Mae, nagkaroon siya ng dalawang cyst sa kanyang left breast at kinailangan itong tanggalin. Mabuti na lamang daw at benign ang mga natanggal na cysts.

Kwento pa ni Rufa Mae, matapos alisin ang cysts ay pinalagyan niya ng “gel” ang kanyang breast ngunit ni-rereject ito ng kanyang katawan kung kaya “no choice” si Rufa kundi ipatanggal ito. Apat na operasyon diumano ang pinagdaanan ni Rufa Mae last year.

Six months rin nag-recuperate si Rufa Mae kung saan nakahiga lang siya. Ang kaibigan niyang businessman ang laging nasa tabi niya noon kung kaya nadevelop sila. Nang tanungin kung ano nga ba ang relationship status nila, sinabi ni Rufa na hindi niya alam kung ano ang tawag sa kanila.

Dahil sa mga pagsubok sa kanyang kalusugan, na-realize ni Rufa na walang kuwenta ang wealth kung walang health kaya diumano mas healthy at active na ang lifestyle niya ngayon. Lagi si Rufa Mae nasa beach at nase-surf at nagba-volleyball. Pati na rin yoga, boxing at kung anu-ano pa ay nasubukan na rin niya.