• Home
  • Fresh Scoops
  • Cesar Montano says Sunshine Cruz is getting back at him because he didn’t give her his property and because of “jealousy.”

Cesar Montano denies child abuse charges filed against him by Sunshine Cruz

Cesar Montano says Sunshine Cruz is getting back at him because he didn’t give her his property and because of “jealousy.”

Cesar Montano denies child abuse charges filed against him by Sunshine Cruz-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/04/2015 08:53 AM
Cesar Montano denies child abuse charges filed against him by Sunshine Cruz
030315-cesar_mainphoto.jpgSa ulat ni Ginger Conejero para sa TV Patrol, dinulog na ni Cesar Montano sa korte ang kahilingan niya na makita niyang muli ang kanyang mga anak tuwing weekends. November 26, 2014 pa nang huli niyang makita ang mga ito.
 
Sumagot naman ang kampo ni Sunshine Cruz na hindi si Cesar pinapayagan na makita ang mga bata dahil sa kasong isinampa ni Sunshine laban kay Cesar. Ang kaso ay violence against minor daughters and child abuse at ang dahilan diumano ay ang “malalaswang eksena na nakita ng mga bata.”
 
Giit naman ni Cesar na kasinungalingan lang ang lahat. “Nasira po ang magandang reputasyong ng mga bata. Bukod sa nasira po ako. Hindi ako galing sa mental para gawin ko po yun.”
 
Sinabi ni Cesar na nagsampa si Sunshine ng kaso matapos niyang hindi ibigay ang property na hinihingi ni Sunshine at ayon pa kay Cesar, “perhaps nagseselos nababalitaan na may girlfriend ako.”

Sagot naman ng abogado ni Sunshine na si Atty. Bonifacio Alentajan ay, “Hindi pwedeng gawa-gawa kasi kung ikaw asawa pangangalagaan mo ang marriage mo..”

Mensahe naman ni Cesar para sa kanyang mga anak ay, “Do not allow anybody to teach you how to lie. Please pray for Daddy. Please pray for Mommy. Please pray for our family. Stay with the truth my sweethearts.”
 
Napirmahan na rin ni Cesar ang compromise agreement bilang first step ng pakikipagayos niya kay Sunshine.

Watch Video HERE