Allen Dizon wins back-to-back Best Actor awards

The actor wins his third Best Actor award for Magkakabaung.

Allen Dizon wins back-to-back Best Actor awards-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/25/2015 08:26 PM
Allen Dizon wins back-to-back Best Actor awards
032515-allen_main.jpgPagkatapos manalo ng Best Actor ni Allen Dizon sa katatapos lang na Sinag Maynila Awards Night para sa pelikulang Imbisibol na pinagbibidahan din nina Ces Quesada, JM de Guzman at Bernardo Bernardo, nanalo ding Best Actor si Allen sa 3rd Silk Road Film Festival na ginanap sa Dublin, Ireland.
 
Parehong March 18-22 ginanap ang Sinag Maynila at Silk Road Film Festival pero mas pinili ni Allen na magpunta ng Ireland. Si  Allen ang personal na tumanggap ng tropeo at certificate mula sa Silk Road Film Festival. Ang co-actors niya naman sa Imbisibol na sina Bernardo Bernardo at Ricky Davao ang tumanggap ng trophy niya sa Sinag Maynila.
 
Parang nagdilang-anghel naman si Ricky sa sinabi niya sa during awards night.
 
"Nasa Ireland si Allen ipagdasal po natin mauwi niya ang Best Actor dun.”
 
The following night, Dizon bagged the Best Actor trophy and Best Film naman ang Magkakabaung / The Coffin Maker na si Paul Laxamana ang direktor.
 
Ang pagkakapanalo ni Allen sa Silk Road Film Festival ay pangatlo na niyang international Best Actor award para sa pelikulang Magkakabaung. Ang dalawa pa niyang Best Actor award ay napanalunan niya sa 9th Harlem International Festival sa New York at sa Hanoi International Film Festival sa Vietnam.
 
Matinding nakalaban ni Allen for best actor sa Silk Road Film Festival ang French actor na si Gerard Depardieu para sa pelikulang The Voice of Steppe, Sofi Jikan ng Men Who Save The World, Iwase Ryo ng Midsummers Fantasia at Mohammad Javad Ezzati ng Angels Descend Together.
 
Sa linggong ito ay nakatakda ng bumalik ng Pilipinas ang award-winning actor.