• Home
  • Fresh Scoops
  • Vilma Santos, Angel Locsin, and Xian Lim to star in a movie set for release this year

Vilma Santos, Angel Locsin, and Xian Lim to star in a movie set for release this year

Gov. Vilma Santos admits she is excited to work with Angel Locsin and Xian Lim for the first time.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/24/2015 2:17 PM
Vilma Santos, Angel Locsin, and Xian Lim to star in a movie set for release this year


032415-xian_main.jpgSa ginanap na story conference para sa pelikula nina Gov. Vilma Santos at Angel Locsin, nasorpresa din ang lahat na kasama sa pelikula bilang love interest ni Angel si Xian Lim. Pagbabahagi ni Gov. Vilma, “I guess pare-pareho kaming excited, para kaming nag-uumpisa lahat. Definitely sa kaso ko it is my honor to be doing a film again, I am so excited po and kasama ko po of course, Gel [Angel Locsin], kasama ko pa si Gel and first time namin ni Bb. Joyce Bernal and first time namin ni Xian Lim na gaganap bilang anak ko.”

Mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal, nagbigay ng konting pasilip si Direk sa kung ano ang aabangan sa kanilang pelikula. “Tungkol ito sa mga relasyon na nasira tapos ngayon bubuuin pero hindi po siya ganun kaseryoso kasi po gusto lang natin light lang pero may mga time na iiyak din po pero yun light drama. Kapag nagdrama seryoso yung drama pero yung characters very interesting, verly lively, makakarelate yung mga tao sa characters nila kasi malamang isa yun sa mga nakahalubilo niyo na… or pwedeng nagawa na rin.” 

At aminado si Gov. Vilma na bago ang materyal na ito sa kanya lalo pa at madalas siyang mapanood sa mga mabibigat ang eksena sa drama. Aniya, “I guess, I guess that’s interesting is the three of us, si Xian, Gel at ako, pare-pareho kaming strong characters sa pelikula, yun yung clash. Ako strong character, si Xian very strong character, si Gel very strong character so dun maguumpisa yung clashing ng iba’t ibang character, from a mother, a son, and a personal assistant.”

At nang matanong si Angel kung ano naman ang pakiramdam na tuloy na tuloy na at makakasama na talaga niya si Gov. Vilma, “Namamawis po ang kili-kili ko”, na ikinatawa ng lahat.


032415-xian_main.jpg“Halo e, kinukwento ko nga kay Direk, paano natin makakaeksena si Tita Vilma. Mahirap po kasi kayo minsan ano, dahil Vilma Santos po kayo saka bukod pa po dun siya po ang nanay ng boyfriend ko yun na nga eh, sabi ko nga eh, huwag ka na umarte manood ka na lang kasi lahat kami sobrang star struck kami lahat. At si Direk Joyce alam naman natin si Bb. Joyce ang daming magagandang pelikula na ginawa. Sobrang happy lang ako na may chance ako na makatrabaho si Direk Joyce, si Gov. Vilma, si Xian ngayon ko lang din makakatrabaho.”

Si Xian aminado namang pressured dahil award-winning at de kalibre ang mga aktres na makakatrabaho. “Oo naman. Isang karangalan na makasama ko si Ms. Vilma and si Ms. Angel Locsin pero more than the pressure I feel very blessed and excited and I will be working with Direk Joyce for the second time and yung dynamics namin, yun yung excited ako dahil I wonder how’s it going to feel sa first shooting day namin. Siyempre kung paano namin ihahandle yung iba’t ibang characters namin and katulad din ng sabi ni Direk Joyce, it’s a light drama. Serious po siya pero maraming room for laughter and maraming nakakatawang eksena dito.”

Ibinahagi din ng gubernadora kung bakit natagal siyang sundan ang kanyang huling award-winning na pelikulang Ekstra. “Siguro puwedeng pagkakataon ko na pasalamatan ang Star Cinema kasi hindi talaga bumibitaw ang Star Cinema. Alam naman nila yung schedule ko and in fact they are willing to wait depende sa availability ko, depende sa script na babagay sa sitwasyon ko ngayon. Kaysa kung nakaggawa ako ng kamukha nito ngayon, malaking bagay din yun sa akin kasi sa totoo lang po I miss show business, so sa project naman ako excited ako kasi whether you like it or not, ang puso ko talaga ay nasa acting but it’s also very fulfilling to be a public official, public servant but I miss this kind of life. Yung excitement ko nakikita niyo. Again, Star Cinema maraming salamat especially with this something different na istorya. ‘Gel pa, first time with Bb. Joyce Bernal, first time with Xian, fist time with other cast and gusto ko pa yung character na gagampanan ko, it’s something different from the last movie na ginawa ko at yun ang nagpapaexcite sa akin to do the film.”

At ang kanyang hiling lalo na sa kanyang direktor na is Bb. Joyce Bernal na sa unang pagkakataon ay makakatrabaho niya din, “If I may share nga sa sinabi ko kanina, ‘Direk, idirek mo ako ah kasi baka akala mo hindi ibig sabihin na kapag may award kami na pinakamagaling, hindi. Maayos lang kami nung nagka-award as in from sa last movie namin pero as an actor kailangan naming ng guidance ng isang kapitan which is the director’ kaya sabi ko ‘huwag ka mag-hesitate direk na icorrect kami o itama yung acting naming kapag mali kami. Kasi we are all actors.”