• Home
  • Fresh Scoops
  • The action star speaks up and shares what his wife is going through after losing ‘Cutie pie’

Robin Padilla says wife Mariel is devastated with the miscarriage because they're ready for a baby

The action star speaks up and shares what his wife is going through after losing ‘Cutie pie’

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

03/23/2015 09:54 AM
Robin Padilla says wife Mariel is devastated with the miscarriage because they're ready for a baby
0032215-robin_main.jpgSa panayam ng Cinemanews kay Robin Padilla sa presscon ng kanyang telecoms endorsement, ibinahagi niya ang kanyang saloobin matapos aminin at ikwento ng kanyang asawang si Mariel sa kanyang social media account ang pinagdaanang miscarriage.  

“Sa tanda kong ito kasi nalulungkot ako para kay Mariel kasi siyempre siya yung nangarap, iba kasing joy ang dinulot sa kanya nun eh. Ilan naman na ang anak ko, naka-experience na rin naman na ako niyan, yung first wife ko naka-experience din ng ganyan. Madali akong naka-move on pero si Mariel hanggang ngayon hindi pa. Sabi nga ng duktor aalisin na, ayaw niya, naniniwala pa siya na meron pang milagrong mangyayari. Ang sabi niya hangga’t hindi siya dinudugo ng normal hindi niya aalisin e ang sabi ko nga baka delikado yan kasi may patay na diyan sa loob mo eh hindi naman daw sabi ng duktor. Natural rin lang daw na lalabas yun sabi ng duktor,” paglalahad ni Robin.  

Aminado si Robin na hirap din siyang intindihin kung bakit nangyari ito sa asawa. Aniya, “Hindi ko maexplain eh…. kasi alam mo hindi na nga siya halos gumagalaw eh. Pinagtripan niya yun eh, kapag napagtripan niya ang isang bagay yun na yun eh, trip niya buntis siya eh.” 

Sa ngayon, kwento ni Robin, tutok sa pag-aalaga kay Mariel ang kanyang mga kaibigan, ang kanyang Lola at ilang kapamilya hindi lang dahil sa pisikal na dinaranas niya ngayon, maging sa emotional well-being nito. 

“Mga kaibigan niya, lola niya kasi hindi ko naman… para sa akin, hindi magaan sa kanya, bago eh. Huwag naman mangyari ulit pero unang shock e hindi naman pwedeng, ang tagal-tagal naming plinano, kung kailan namin plinano hindi nangyari. Saka handa na siya, handa na ako, handa na yung mga bata, yun eh. Pati si first wife handa na rin sa mga mangyayari, planado eh.” 

Sa edad ni Mariel na 30 years old, nakwento ni Robin na ayon sa kanilang duktor ay malaki pa ang tsansa na magkaanak pa silang muli, “Pwede pa nga, sabi ng duktor niya tanggalin na lang natin yan and do a lot of sex. Ako naman, oo nga, pero ayaw eh.” 

Kaya naman nang matanong kung ano ang ginagawa ni Mariel para maibsan ang dinaranas, kung inaabala ba nito ang sarili sa ibang bagay, ang tugon ni Robin, “Hindi, ano pa rin siya, ganun pa rin siya, bed rest at umaasa pa rin siya hanggang hindi siya dinudugo. Sasakyan lang natin, hindi naman pwedeng… ang pangit naman nun kung ako ang babaril sa trip niya. Well, hindi eh.”