• Home
  • Fresh Scoops
  • Francis Magundayao portrays fan turned scriptwriter France Sajorda

MMK's Dakilang Fan episode trends on Twitter, fans try to guess who "idol" is

Francis Magundayao portrays fan turned scriptwriter France Sajorda

MMK's Dakilang Fan episode trends on Twitter, fans try to guess who "idol" is-EJ Salut
BY
EJ Salut

FRESH SCOOPS

03/22/2015 12:56 PM
MMK's Dakilang Fan episode trends on Twitter, fans try to guess who "idol" is
032115-mmk_main.jpgSa episode ngayong gabi ng Maalaala Mo Kaya, nagtrend ang #MMKDakilangFan dahil sa maraming fans ng mga sikat na artista ang nakarelate sa kwento ni France Sajorda, isang dating avid fan na dumanas ng mga pagsubok na siyang nagtulak sa kanya upang marating ang pangarap at maging scriptwriter sa Kapamilya network.

Tulad na lang ng tweet ng mga solid KathNielfan na @KDreamersDvoDelNor, "#MMKDakilangFan alam na Fangirls. Study First. Gawing Inspiration ang Idols. Pursue your dreams."  

Nagpost din ang user na si Yayen Jose ng, "MMK's lesson: Love your idols and support them but please, don't forget the fact that you have your own life. #MMKDakilangFan" 

Julia Barreto's fan @juliaweloveya sinabi nakarelate din daw siya sa kwento, "Relating story who has valuable lessons especially to a fan like me. Magiging guide na rin to to everyone ?? @PrincessFrance#MMKDakilangFan"

May mga celebs din tulad ng Pinoy Big Brother ex-housemate na si Loisa Andalio, nagtweet din sa kanilang fans na isapuso ang lessons mula sa MMK. 

Loisa.jpg

Sinubukan din hulaan ng netizens kung sino yung idol ng main character (na ginampanan ni Francis Magundayao) na si James Bautista. 

Nagpost naman si France sa kanyang Twitter na  "James is a nice and kind person" in real life at di naman kasalanan lang ng artista ang nangyari kundi kasalanan din niya. 

"Guys, won't name James. Kasi, hindi lang siya. Ako rin may kasalanan. Don't be hard on him. He really is a nice guy. :) #MMKDakilangFan," sabi ng scriptwriter sa kanyang post.