EXCLUSIVE: Jan Marini to play Amy Austria's character in remake of Pangako Sa ‘Yo

The actress says the role is an answered prayer.

EXCLUSIVE: Jan Marini to play Amy Austria's character in remake of Pangako Sa ‘Yo-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/22/2015 12:58 PM
EXCLUSIVE: Jan Marini to play Amy Austria's character in remake of Pangako Sa ‘Yo
0032215-marini_main.jpgNagbabalik Kapamilya na rin ang aktres na si Jan Marini. Kasama siya sa cast ng remake ng Pangako Sa ‘Yo na pagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ayon kay Jan, answered prayer na muling makapagtrabaho ulit sa ABS-CBN na dati niyang tahanan.
 
May dalawang magkasunod na show na gagawin sana si Jan sa GMA but unfortunately, natanggal siya.
 
“Yung bagong show ko dapat, the day before the storycon kinansel nila ako. Storycon ko bukas, tapos sabi, hindi na raw ako kasali. Nangyayari pala yung ganun?” ang takang-taka niyang pahayag.
 
“At hindi lang isa, ha, kasi yung sumunod, ganu’n din. Alam mo, hindi ko alam kung bakit ako nabababaril sa show. Pero may idea na rin ako kahit papaano, na baka dahil yung sa isang insidente na nagkaroon ako ng problema sa isang assistant director na actually galing din sa Dos,” kuwento pa ni Jan.
 
“Ang naging problem ko sa kanya, lagi niya akong  iniinsulto dahil sa weight ko. Hanggang sa isang taping na pare-pareho na kaming pagod, sinabihan niya ako na hindi raw ako kasya sa butas ng aircon kasi overweight ako. Tapos paulit-paulit ‘yong pag-insulto niya sa aking appearance. Siyempre, bumigay ako. Sumigaw ako. Pero kala ko naayos na ‘yon. Baka do’n ‘yon,” dagdag pa ni Jan.
 
Ayaw namang pangalanan ni Jan ang assistant director na tinutukoy niya.  Hindi rin daw siya naka-receive ng kahit anong apology mula sa pang-iinsultong ginawa nito sa kanya.
 
Excited namang naikuwento ni Jan ang tungkol sa alok sa kanya na mapasama sa cast ng Pangako Sa ‘Yo.
 
“Eto na, latter part of 2013 tinawag ako for guesting sa Honesto ng Dreamscape, ang sabi 5 days lang, pero ang nangyari, umabot ako ng 6 months…l so okey.
 
“Tapos itong Pangako, hindi ko talaga ito ini-expect. But I was really praying for another show sa ABS, sabi ko nga sana mapasama ako kasi ang lalaki ng projects di ba? Tapos Kathniel fan pa ang anak ko, so parang… tapos alam mo nu’ng may nag-text sa akin na puwede raw ba akong pumunta sa ABS-CBN for this and that, so ako naman, hindi ko alam kung anong gagawin ko, basta pumunta ako.
 
“Pagpunta ko, ando’n si Direk Rory (Quintos), Direk Dado (Lumibao) and the staff. They asked me if I’m doing something, sabi ko wala, tapos the following day, I got the confirmation na I’m gonna be part of Pangako,” pahayag ni Jan.
 
Gagampanan ni Jan sa Pangako Sa Yo ang character ni Lourdes Buenavista na ginampanan dati ni Amy Austria na asawa ni Diego Buenavista na ngayon naman ay gagampanan ni Bernard Palanca.