Rufa Mae Quinto admits having health problems

The comedienne also reveals changes in her management.

Rufa Mae Quinto admits having health problems-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/02/2015 02:30 PM
Rufa Mae Quinto admits having health problems
030215-rufa_main.jpgHindi kinumpirma ni Ruffa Mae Quinto sa entertainment press na umatend sa presscon ng showi nila nina Candy Pangilinan, Ate Gay at Gladys Guevarra titled 4 Da Best + 1 kung loveless ba siya o merong bagong lovelife.
 
“Mahirap i-confirm, eh. Kasi alam mo na, baka maudlot. Pero I’m happy naman. Okey naman ako, surviving,” nakangiting pahayag ng komedyana.
 
Sa 4 Da Best + 1 ay makikipagsabayan si Rufa Mae sa mga stand-up comedians. Kakayanin ba ito ng powers niya?
 
“Sa mga hindi nakakaalam, sa stage play po talaga ako nagsimula kaya hindi na ako baguhan sa entablado. Kaya nga lang, 5 hams (P500) lang ang kadalasang bayad do’n, kaya waley future. Hindi ako mabubuhay. Kaya nagpalit ako ng career. At least, dito buhay na buhay,” kuwento pa niya.
 
Kinumpirma naman ni Rufa Mae na totoong wala na siya sa pangangalaga ng Viva Artists Management. Hindi na raw siya nag-renew ng kontrata sa kumpanya. Si Shirley Kuan ang tumatayong bagong manager niya ngayon.
 
"Di ba si Boss Vic (del Rosario) and Shirley, close naman?  So kahit na kay Shirley ako, join-join pa rin sila.  So, parang hindi rin naman ako  nawala sa Viva, family ko pa rin naman sila,” paglilinaw ni Rufa Mae.
 
Pero wala raw silang written contract ni Shirley.
 
"Kahit naman kay Tito Boy (Abunda), wala akong kontrata sa loob ng 15 years kaming magkasama.  Kasi para sa akin, kung ayaw na, kung hindi na masaya, papel lang naman 'yan, eh, parang ganun.
 
"Kaya napakaimportante sa akin na dapat 'yung manager ko, close sa akin, parang family na.”
 
Kahit nagpalit ng manager, wala namang balak si Rufa Mae na lumipat ng ibang TV network.
 
“May mga nagsasabing bakit daw hindi ako lumipat... ganyan-ganyan.  Sabi ko, ba’t ako lilipat, eh,ang ayos-ayos naman ng ganap ko sa GMA-7.  Hindi naman ako nauubusan ng projects, ng offers.”
 
Hindi lang daw siya madalas napagkikita sa mga show ng GMA-7 dahil sa kanyang health condition.
 
“Nagkaroon ako ng health problems. Siyempre, hindi na rin tayo bumabata, di ba? Nagkaroon ako ng cyst sa boobs ko at kailangan ko itong ipaopera.
 
“Pero ngayon, Im okey na. Todo na ulit to. Work, work, work na ulit,” masaya niyang pahayag.
 
Ang 4 Da Best + 1 ay gaganapin sa March 13 and 14 sa Music Museum.  Mabibili ang mga tiket sa SM Tickets at 4702222 and Ticket World at 8919999. Ang direktor ng show ay si Andrew de Real.