• Home
  • Fresh Scoops
  • Zoren Legazpi says he and Carmina Villaroel are content with what they have now.

Zoren Legazpi admits he doesn’t want Carmina Villaroel to become pregnant again: ‘Mag-aampon na lang

Zoren Legazpi says he and Carmina Villaroel are content with what they have now.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/18/2015 11:07 AM
Zoren Legazpi admits he doesn’t want Carmina Villaroel to become pregnant again: ‘Mag-aampon na lang
031815-zoren_main.jpgWala na palang planong magka-baby ulit sina Zoren Legazpi at Carmina Villaroel. Kontento na raw ang Forevermore dad ni Enrique Gil at ang obsessed girlfriend ni Paulo Avelino sa Bridges of Love sa kanilang teenager na kambal na sina Cassandra and Maverick Legazpi.

Sa interbyu ng Push.com.ph kay Zoren sa thanksgiving lunch na ipinatawag ng manager nilang mag-asawa na si Tita Dolor Guevarra, sinabi niya ang mga dahilan kung bakit hindi nila priority ngayon ang magka-baby.

“Ayaw na namin, eh. Kasi, parang satisfied na kami sa nangyayari sa buhay namin. So parang, ako ha, yung changes na mangyayari ‘pag may bagong baby, mai-influence lahat nung ginagawa namin ngayon.

“Kumbaga, hindi na namin mababantayan yung kambal ng 100 percent kasi meron ng baby... ganu’n. At saka, magbabantay pa ako sa kambal kung saka-sakaling mag-showbiz ang mga yan, eh.” katwiran niya.

Sa bilis ng panahon, ilang taon na lang at mag-aasawa na rin ang kanilang mga anak. Paano kapag may kani-kanyang pamilya na rin ang kambal at iiwan na sila ng mga ito?

“Baka do’n dadating yung point na mag-ampon kami,”  pag-amin ni Zoren. “Wala namang problema sa aming dalawa sa pagbuo ng baby, pero kami ang may ayaw.

“Kasi, parang sa ngayon hindi kami ready na magkaroon ng bago... Sa ngayon, sarado muna kami, pero kung makabuo kami o aksidenteng mabuo, okey din lang naman,” sey pa niya.

Isa ring dahilan kung bakit ayaw nilang muling magka-baby ay sina Cassandra at Maverick.

“Kapag tinatanong namin sila, ayaw nila. Dati gusto, pero ngayon ayaw nila,” rason pa ng aktor.

Tungkol naman sa balak na pag-aartista ng kanilang kambal na anak, may reaksyon din si Zoren.

“Depende sa mga project siguro na io-offer, pero ang priority talaga dapat yung school nila. Kaya hindi rin kami...” natigilan saglit si Zoren.

“Kasi mahirap, eh. Siguro kung magkaka-show sila, hindi dapat soap opera, dapat mga once a week lang... But other than that, ayoko muna talaga,” paliwanag pa ng ama nina Cassy at Maverick.