• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrea Brillantes on being teased to Juan Karlos Labajo: ‘Hindi puwede, acting muna’

Andrea Brillantes on being teased to Juan Karlos Labajo: ‘Hindi puwede, acting muna’

Andrea Brillantes celebrates her 12th birthday with family and friends and gives a special mention to Juan Karlos Labajo.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

3/18/2015 11:09 AM
Andrea Brillantes on being teased to Juan Karlos Labajo: ‘Hindi puwede, acting muna’


031815-andrea_main.jpgNoong nakaraang Huwebes ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang batang aktres na si Andrea Brillantes kasama ang mga bata mula sa Gawad Kalinga maliban sa kanyang mga kapamilya at ilang kaibigan. Napasaya ni Andrea ang mga bata mula sa Gawad Kalinga na nakasama niya. Dagdag pa ni Andrea, “Opo saka nakalaro ko din po sila.”

Ngayong dose anyos na si Andrea, ito na ang huling taon bago siya mag-teenager at nang matanong kung handa na ba siyang maging teenager, “Okay lang po.” Ngunit masaya siya sa kung nasaan siya ngayon sa kanyang buhay nang hindi iniisip ang edad. “Okay lang po saka medyo masaya lang din po ako kasi magdadalaga na tapos bata pa rin ako.”
 
Sa ngayon ay naghahanda si Andrea sa bagong teleserye ngunit hindi pa siya maaring magbigay pa ng ibang detalye kungdi ngayong taon ipapalabas ang nasabing serye. “Wala pa po pero may darating ako na show pero bawal pa pong sabihin.”

Napag-usapan na rin ang dati niyang teleserye na Hawak Kamay kung saan nakasama niya ang isa sa mga The Voice Kids Top 4 na si Juan Karlos Labajo. Nagkatuksuhan nang banggitin niya na bumati sa kanyang kaarawan ang kaibigan nang tanungin kung sinu-sino na ang mga bumati sa kanya, “[Nag]-video greeting si JK.”

At kung bakit si JK ang kanyang nabanggit nang magsimula na ang kantyawan, ang tanging nasagot na lamang ni Andrea ay, “Aba’y ewan.”

Kaya naman nang tanungin kung ano ang laman ng video greeting sa kanya ni JK, “Mahaba po eh. Basta ang sabi niya stay pretty.”

Pero kay Andrea na mismo nanggaling na hindi pa pwede ang mga ganung bagay sa kanya. Aniya, “Hindi puwede, acting muna.”

Ngayong kaarawan ni Andrea, ibinahagi niya rin ang kanyang mga hiling na sana ay matupad at magkatotoo. “More blessings, more shows, more endorsements and tumangkad and siyempre gusto ko po mag-thank you sa lahat ng pumunta at dumating po sila sa napakahalagang araw sa buhay ko and yun po masaya po.”