• Home
  • Fresh Scoops
  • The former actor recalls his last moments with his daughter.

Romeo Vasquez to daughter Liezl Martinez: 'I hope when I see you in heaven you will remember me'

The former actor recalls his last moments with his daughter.

Romeo Vasquez to daughter Liezl Martinez: 'I hope when I see you in heaven you will remember me'-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/17/2015 09:48 PM
Romeo Vasquez to daughter Liezl Martinez: 'I hope when I see you in heaven you will remember me'
031715-ro_main.jpg
Bago i-cremate ang mga labi ni Liezl Martinez, nagkaroon tayo ng pagkakataon na makausap ang kanyang ama at former actor na si Romeo Vasquez. Emotional itong nag kuwento sa mga huling sandali ng pagsasama nila ng kanyang anak na hindi niya makakalimutan.

“Ako nga hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, last October I was here, I’m not supposed to be here. Nagkausap kami sabi ko 'kamusta ka, are you sick?' sabi niya 'no papa, I’m ok kung hindi ka pa nakakabili ng ticket ok lang,' sabi ko gusto ko pumunta dyan, tapos dumating siya sa akin last December sa Amerika, ayun nag enjoy siya sa Las Vegas, San Francisco and she gained so much weight, parang wala siyang sakit parang wala siyang problema.”

Bigla na lang daw nanghina at nag iba ang health condition ni Liezl na dahilan ng kanyang pag aalala.

“Pagbalik niya dito sa Pilipinas tumawag siya sa akin na hindi na siya makakain she’s throwing up, hindi siya maka kilos ng maayos. Tapos two weeks ago nag text siya sa akin ang message niya is 'Papa, I love you and I’m trying hard,' that’s it. And then si Albert called again sabi niya 'Pa baka hindi na umabot sa birthday niya, she has one month to live,' yung para sabihin sa iyo yung ganoon para kang sinaksak sa sakit.”

Naka suporta naman daw ngayon sa kanya ang mga dating kasamahan sa showbiz at nakikiramay sa pagpanaw ni Liezl.

“Kino comfort nga ako nila Gloria (Romero) kanina eh, sabi ko bandido rin ako pero ganun pala yun kapag anak mo ganun pala yun.”

Sa huling sandali, nagpaalam si Romeo sa kanyang anak at nagbigay ng makahulugang mensahe.

“Sabi ko nga kay Liezl binuksan ko ang coffin sabi ko sa kanya have a nice flight. Kinausap ko na ang mga tao sa itaas sila St. Jude, St. Therese, sabi ko na I hope when I see you in heaven someday you will remember me.”