• Home
  • Fresh Scoops
  • Nina Ricci Alagao says it was not her intention to humiliate Toni Gonzaga.

Nina Ricci Alagao clarifies her criticism of Toni Gonzaga’s hosting of Bb. Pilipinas 2015

Nina Ricci Alagao says it was not her intention to humiliate Toni Gonzaga.

Nina Ricci Alagao clarifies her criticism of Toni Gonzaga’s hosting of Bb. Pilipinas 2015-Cristina Malonzo-Balane
BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

03/17/2015 09:44 PM
Nina Ricci Alagao clarifies her criticism of Toni Gonzaga’s hosting of Bb. Pilipinas 2015
031715-nina_main.jpgSa ulat mula sa abs-cbnnews.com, maraming pumuna sa pag-host ni Toni Gonzaga sa Binibining Pilipinas 2015.

Kabilang na sa mga natuwa at nagsabing breath of fresh air ang pag-host ni Toni ay si DJ KC Montero. Nagustuhan ni KC ang diumano’y “sarcasm” ni Toni at gustong-gusto rin ng internet sensation na si Bekimon ang “wit” ni Toni.

Meron din namang hindi nagustuhan ang ginawang paghost ni Toni ng pinaka-prestiyosong beauty pageant ng bansa. Isa na rito ang top local fashion designer na si Cary Santiago na nagsabing naging “rude” si Toni sa mga kandidato.

Nagpahayag rin ng kanyang matatapang na opinyon si Bb. Pilipinas-Universe 2000 Nina Ricci Alagao sa kanyang Facebook status. Ayon kay Nina, naging “overconfident” si Toni “to the point of arrogance.” Sana rin daw ay maalala ni Toni ang panahon nang siya ay “brown-skinned,” hindi pa “trimmed” ang ilong at ang panahon na napagkamalan itong isang alalay para maalala niya ang pakiramdam nang pagkapahiya. Sumasang-ayon din si Nina sa sinabi ng kanyang kaibigang direktor na ang pag-host ni Toni ay mas nababagay sa PBB (Pinoy Big Brother) at hindi sa BBP.

Matapos ang ilang oras humingi ng paumanhin si Nina sa kanyang mga sinabi. Ipinaliwanag niya na ang kritisismong binitiwan niya ay para lang sa paghost ni Toni ng Q and A portion ng kompetisyon at hindi ito pagbatikos sa pagkatao at pagiging magaling na aktres at host ni Toni.

Mainphoto credit to deliberatelymom.blogspot.com