Bing Loyzaga explains why she hasn’t been on TV for three years

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/15/2015 04:02 PM
Bing Loyzaga explains why she hasn’t been on TV for three years
031515-bing_main.jpgKatulad ni Megastar Sharon Cuneta, balik-ABS-CBN na rin ang beauty ni Bing Loyzaga pagkatapos niyang matali ng halos apat na taon sa TV5. Kasama si Bing sa Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes na mapapanood tuwing Linggo ng gabi simula sa March 22.

For a change, mabait ako dito,” natatawa niyang kuwento. “Kaya ko naman palang maging mabait, eh. Nasa teritoryo ako ng mga engkanto and it’s a fun role for me,” sey pa ulit ni Bing.
 
Nakadagdag din daw sa excitement ni Bing sa Wansapanataym project na magagaling ang mga kasama niya sa trabaho tulad nina Coco at Julia.

“Nakaka-excite kasi ang gagaling nila, ng mga katrabaho ko. So yung gana mong magtrabaho andon kasi excited kang gumising ng maaga para pumunta sa set,” kuwento pa niya.

Eh, bakit nga ba hindi siya naging visible sa TV ng matagal na panahon?

“Hindi naman sa nawala, it’s just that I was tied up in a different company for three years. Wala lang talagang project that time, I’m just happy to be back sa ABS.”

Natapos naman daw nang maayos ang contract niya sa TV5. “We’re both happy with the decision, pero walang bad blood,” paglilinaw pa ni Bing na isang guaranteed contract ang pinirmahan dati sa Singko.

Ayon pa kay Bing, very comfortable siya sa muling pagtatrabaho sa ABS-CBN. “It’s nice to be doing projects with artists na hindi mo nakakasama nang matagal, ‘di ba? And at the same time, it’s nice to have project din ‘di ba? Kasi kahit guaranteed contract yung sa akin dati, unfortunately, hindi naka-produce ng maraming shows, so it’s nice to be active again, that’s the excitement.

“Pagbalik ko dito sa Dos, siyempre iba rin kasi kilala mo na kaagad yung mga tao. I’m not saying na TV5 didn’t care for us, they did, pero siyempre, nangingilala ka sa ibang tao do’n. Iba yung pagbalik mo, may kakilala ka na at kilala ka na,” paliwanag pa ng aktres.

Natutuwa naman si Bing na bumalik na rin sa Dos si Sharon at may reaksyon siya tungkol dito.

She deserves it. She deserves to be home. Well, ano lang naman yan, eh. After a while, kailangang mag-break, magbabakasyon ka for a while pero babalik at babalik ka rin sa bahay mo,” ang halos katulad ding pahayag ni Shawie.

“So, alam mo na kung bakit kami friends? Hahaha! Pero ganu’n kasi ‘yung pakiramdam talaga,” masayang hirit pa ni Bing.