Robin Padilla cuts short endorsement press conference

The actor says he is serious about his posts on Instagram.

Robin Padilla cuts short endorsement press conference-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

03/14/2015 10:18 AM
Robin Padilla cuts short endorsement press conference
031315-robin_main2.jpgMainit at kontrobersyal ang naging press con ng action star na si Robin Padilla para sa kanyang latest organic cough medicine endorsement
Sa question and answer portion ng media launch naitanong kung maaapektuhan ba ang kanyang endorsement sakaling ituloy ni Robin ang plano na sa ibang bansa na muna manirahan. Sinabi kasi ni Robin sa kanyang Instagram post na balak niya nang umalis sa Pilipinas dahil sa pagpapalaya kay Sajid Ampatuan sa halagang 11.6 million na bail. 

"Ang organic po ay walang pinipiling lugar kahit nasaan man ako o kahit hindi kami nagka kilala ng Pascual Laboratories tuloy tuloy pa rin ako sa organic revolution pero pinagtagpo kami ng tadhana kaya nandito kami ngayon. Pero wala ito pinipiling lugar nandito man ako sa Pilipinas o wala ako sa Pilipinas kahit nasaan man po ako maririnig nyo po ang boses ko kapag may kinalaman sa organic" 

Sa follow up questions humingi naman ng dispensa si Robin na huwag na muna pag usapan ang personal niyang issues at pag usapan na lang ang kanyang produkto na ini endorse. Pero sinagot ni Robin na seryoso siya sa kanyang posts sa social media.

"Baka ako eh palayasin nila dito tsaka na lang po natin pag usapan ang mga bagay na yan baka kainin ang oras na para sa Pascual Laboratories sa mga personal na usapin pero isa lang ang sasabihin ko sa inyo hindi ako magpo post ng isang bagay na hindi ako seryoso. Yun lang po tapusin na muna natin sa ganun."

Bilang isa naman sa naging ka-tandem ng nagbabalik na Megastar na si Sharon Cuneta, bukas ang options ni Robin na muli sila magka trabaho pero mukhang malayo ang magiging location nila.

"Sa abroad na lang namin gagawin ang pelikula bakit hindi," sabi nito. 

Plano pa sana ng media mula sa TV na maka interview kay Robin pero hindi na ito humarap pagkatapos ng press conference.