Zoren Legazpi on Carmina Villaroel’s kissing scene with Paulo Avelino: ‘Masakit sa akin ‘yon’

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/13/2015 08:30 AM
Zoren Legazpi on Carmina Villaroel’s kissing scene with Paulo Avelino: ‘Masakit sa akin ‘yon’
031215-zoren_main.jpgParehong namamayagpag sa paggawa ng teleserye sa ABS-CBN ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legazpi: si Zoren para sa top-rating soap na Forevermore bilang father ni Enrique Gil at si Carmina naman sa ipalalabas pa lang na Bridges of Love on Monday, March 16, kung saan gagampanan niya ang isang babae na obsessed sa pagmamahal ni Paulo Avelino.
 
Parehong mina-manage ni Tita Dolor Guevarra ang mag-asawa and to say thank you sa ilang members ng entertainment press, nagpa-lunch ang butihing manager sa isang resto sa Timog Avenue. Sa naturang gathering ay kinuha agad ng PUSH ang reaksyon ni Zoren sa role ni Carmina sa Bridges of Love.

Alam ba niyang daring si Carmina at meron pang kissing scene with Paulo bagong teleseye ng ABS-CBN?
 
“Well, ang alam ko lang, it’s a serious drama project pero hindi ko alam na merong mga kissing scene na yan... siguro siya rin nagulat kasi nag-revise, eh, so definitely... pero hindi ko alam kung tinatago niya sa akin. Kasi alam niyang ayoko ng ganyan...” diretsahang pahayag ng husband ni Carmina.
 
“Ever since nanligaw ako diyan, ayoko talaga ng ganun. Pero ‘yon na nga, I cannot be a hypocrite kasi parte yan ng trabaho natin sa showbiz, but it doesn’t mean na... Kasi as a director also, I need to understand yung pagiging professional niya sa kanyang work...

“Si Carmina kasi, personal yan, pag-aari ko siya... you know what I’m saying, so, siyempre ‘pag may dumampi na ibang labi diyan kahit alam mong walang malice, alam mong trabaho lang, masakit pa rin sa akin yon. Dahil akin siya, eh, pero on the other side of it, trabaho niya ‘yon, wala akong magagawa don, so tanggapin mo na lang yon kahit masakit,” dagdag na reaksyon ni Zoren.

Ayon pa sa aktor, hindi raw nila pinag-usapan ni Carmina ang tungkol sa role na gagawin ng aktres sa Bridges of Love. Wala rin daw siyang binigay na restrictions sa asawa.

Alam na niya ‘yon ever since, but you know, it’s TV so I’m sure, hindi naman ganu’n kalala yung mga gagawin niya dyan. Pero whether malala or hindi, mahirap pa rin sa akin yan... mahirap tanggapin. Kumbaga, meron kang... Siyempre, ayaw mong madampian ng ibang labi yan, eh. Gusto mo ikaw lang, ‘di ba?” hirit uli ni Zoren.

Hindi rin alam ni Zoren kung paano magre-react ang kambal nilang anak sa role ni Carmina sa teleserye.

“’Yon ang magiging problema,” natatawa niyang pahayag. “Yon talaga ang magiging problema. Ano pa ‘yon, emotional ang dalawang ‘yon, they get carried away, kunyari merong eksenang ginugulpi, ah, nagagalit yon, kasi hindi pa nila totally naiintindihan, so very affected sila... ‘Wag na lang siguro nilang panoorin,” sey pa ng aktor.
 
“Don nga sa first part ng Forevermore, tinatanong nila bakit daw ako salbahe kay Xander, so ‘yon, nagtatanong sila... affected sila pag nanonood whether Tagalog or English. Yung recent nilang napanood, yung kina Daniel (Padilla) at Kathryn (Bernardo), nagustuhan nila yung movie. Naging emotional din sila doon, may pusong Pilipino kasi yang mga yan, eh kaya emotional sila talaga,” kuwento pa niya.