• Home
  • Fresh Scoops
  • The actress says she's very excited with her transformation on the show.

Is Jolina Magdangal threatened with Karla Estrada and Melai Cantiveros' fans?

The actress says she's very excited with her transformation on the show.

Is Jolina Magdangal threatened with Karla Estrada and Melai Cantiveros' fans?-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/11/2015 08:52 AM
Is Jolina Magdangal threatened with Karla Estrada and Melai Cantiveros' fans?
031115-jolina_main.jpgIsa si Jolina Magdangal sa celebrity contesant sa pinakabagong programa ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar na magsisimula na sa March 14 sa ABS-CBN. 
 
Masaya niyang ikinuwento na she’s looking forward na sa transformation ng kanyang itsura at maging ka-sound ng music icons na kanyang gagayahin every week sa loob ng 13 linggo.
 
“Yung excitement na nararamdaman ko, more on ano, eh... parang sinisilaban ang puwet ko, parang ganun. Nai-excite ako, kahit sabihin na nating matagal na akong kumakanta, or naka-perform na ako, nag-concert na ako, iba to, eh. Pero para gayahin mo yung look pati boses, iba yon. Hindi ako impersonator, tapos yung mga kasama ko artista din naman kaya lalong nakaka-excite.
 
“So, karirin na natin ito. Enjoyin natin. Wag natin isipin na kompetisyon. Sa akin, bago na naman ito... gustung-gusto k ang mga bago, alam mo yan... Gustung-gusto kong natsa-challenge at merong bagong nakikita ang mga tao sa akin,” simulang kuwento ni Jolina sa PUSH.
 
Makakalaban ni Jolina sa Your Face Sounds Familliar ang dalawang malalakas sa text votes na sina Karla Estrada (dahil sa anak niyang si Daniel Padilla) at Melai Cantiveros (na PBB big winner), pero hindi raw siya natatakot sa dalawa.
 
“Ayokong isipin na parang, ‘oh, ang basehan dito ng galing natin ay dahil sa text votes.’ Isipin ko na lang na ginawa ko yung part ko ng maayos at napanood ng tao. Masaya na ako do’n,” katwiran niya.
 
“Kung may mag-text sa akin, super thank you, kung wala naman okay din lang. At least nakasama ako sa show na ito,” dagdag pa niya.

Idinagdag din ni Jolens na sa unang 9 na linggo ng kompetisyon ay sa mga judges manggagaling ang kanilang scores na iipunin linggu-linggo. Ang total nito ang magdi-determine kung sino ang papasok sa top 4 at do’n pa lang magsisimula ang botohan sa text.
 
“Wala pa namang text votes sa simula. Yung galing mo muna sa panggagaya at yung magiging kapalpakan mo kung hindi mo nagaya yung musical icons na maa-assign sa yo ang idya-judge nila kaya do’n magkakaalaman. Mahirap i-predict kung anong mangyayari kasi paano kung yung ma-assign sa yo ay hindi mo talaga makayang gayanin, di ba?” sey pa niya.
 
Nabanggit din ni Jolina na naramdaman niya ang pagbabago sa kanyang career simula nu’ng bumalik siya sa ABS-CBN at maging lead star ng una niyang programa sa Dos na Flordeliza. 
 
“Sa pagbalik ko lang dito (ABS-CBN), masaya na talaga ako. Tapos ngayon, minsan may biglang tatawag na ‘eto, gagawin mo ito, okey ba sa iyo ito.’ Talagang nakakatuwa, hindi ako makapaniwala. Hindi pa tapos yung Flordeliza, tapos may iba pang inaayos kaya sobrang thankful ako talaga.
 
“Hindi ko masasabi na mas naging okey ulit yung popularity ko ngayon, para sa akin may na-gain akong bago, mga bata na hindi naman ako inabutan, yung mga diehard ng ABS...
 
“Kaya nga nu’ng unang nag-guest ako sa ABS-CBN, nung nag-The Buzz ako, nagpakilala ako, sabi ko, ‘ako po si Jolina Magdangal-Escueta, handang maglingkod sa inyo,’ kasi may mga die-hard ang ABS na alam mong super die-hard talaga dito (ABS-CBN).
 
Nu’ng lumipat ako, i’m sure kinalimutan na ako, pero ngayon, nakakatuwa na in-embrace ulit nila ako at sinasabing kinalakihan na nila ako. Parang naging part ako ng childhood nila tapos ngayon nadagdagan pa. Ang sarap lang ng feelings, nakakatuwa talaga at nakakataba ng puso,” masaya pa niyang pahayag.