Max Collins on being FHM's sexy cover girl: 'Maybe it’s time to do something a little more crazy!'

Is the actress ready to do more daring roles?

Max Collins on being FHM's sexy cover girl: 'Maybe it’s time to do something a little more crazy!'-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/11/2015 12:03 AM
Max Collins on being FHM's sexy cover girl: 'Maybe it’s time to do something a little more crazy!'
031015-max_main.jpgSumabak na rin sa pagpapaseksi at pagpo-pose sa men’s magazine na FHM ang Kapuso star na si Max Collins. Siya ang cover girl ng FHM for the month of  March na 15th anniversary issue din ng magazine.
 
Dahil busy sa kanyang taping schedules, inamin ni Max na hindi siya nagkaroon ng sapat na panahon para mapaghandaan pagiging cover girl.
 
“I didn’t have much time to prepare actually, so what I did was I try to eat less and I try to workout as much as possible. Tapos two meals na lang ako in a day, puro fruit and vegetables lang, walang meat. Then, nag-yoga din ako, mga two times.
 
“I was really worried about my weight but I said okay lang siguro kasi makikita din ng tao yung totoong ako, you know, there’s all types of beauty naman, hindi naman lahat super payat, hindi naman lahat is kitang-kita ang abs,” kuwento ng dalaga.
 
Bagama’t kabado, nag-enjoy naman daw si Max sa kanyang photo shoot.
 
“I was really nervous, sobra,  kasi first time kong mag-shoot ng sexy and I was surprised na it’s so easy rin naman pala kasi sobrang bait nilang lahat, they made me feel really comfortable and it was fun, it was a fun shoot.”
 
When asked what is the hardest part during the photo shoot, ang sabi niya,  “Ang pinamamahirap na part was when Doc Marlon (the photograher) cut my dress. Nauna muna yung slit, eh, medyo mataas na, so sabi ko, okay lang yan kasi slit lang naman. And then, doon sa may neckline, ginupit na, as you can see in the cover. Sabi ko, wait, hindi pupuwede kasi may wire, he said okay lang yan, tapos hinila niya. Bumaba yung damit ko and I was just holding it up and that’s the product (referring to the cover). Yan yung kinalabasan,” sabay turo niya sa cover ng magazine.
 
Simula na ba ito ng pagpapaka-daring ni Max at pagtanggap ng sexy roles?
 
“Siguro daring in a sense na this is me as a more mature woman, hindi na ako bata, I’m up for more challenges. And it’s a new year, parang new me na rin pero depende pa rin po sa project, kung maganda naman yung project, I’m up for doing sexy roles or more mature roles.
 
“I feel really lucky to be one of FHM’s cover girls and not just one of the cover girls, but their 15th anniversary cover girl, so its really an honor. I may not be as sexy as them, but I’m just really thankful to be considered as sexy because FHM chose me.”
 
Naikuwento rin sa PUSH ni Max kung paano siya napapayag maging FHM covergirl.

“I think as an actress, lahat ng stages talaga pagdadaanan mo. I’ve been at the same stage for so long and since it’s a new year, I thought maybe it’s time to do something different, something a little more crazy, a little more out of the box kaya naisip ko na, it’s time for me to grow up not  just be a litle girl anymore and this is the first big step,” she replied.
 
Ano naman ang naging reaksyon ng parents niya sa ginawa niya?

Photo credit to max collins' IG


031015-max_main.jpg“My mom, at first, medyo worried siya but ngayong nakita niya yung result, nagustuhan niya, maganda naman daw yung kinalabasan kaya happy na rin ako.
 
Ayon sa FHM team editor an si Allan Madrilejos, matagal nang may clamor para kay Max na mag-pose sa kanilang men’s magazine. Palagi raw silang kinukulit ng kanilang online community sa Facebook na merong halos 3 million followers na i-cover na si Max.
 
“I think four years na ata nila akong nililigawan. Bata pa ako no’n, eh. Parang hindi pa time. But when they approached me again and  my management,  we thought na wow it’s a great opportunity and I’m really lucky na ako yung napili. And I think now is the right time tapos it’s their anniversary issue pa,” sabi pa ni Max.
 
Tinanong din ng PUSH si Max kung ano naman ang pakiramdam na nakita na niya ang sexy photo niya sa cover ng magazine?
 
“Well, i feel more of an adult, i feel like more of a woman I guess. For the longest time, yes, I’ve been avoiding it, I guess I never really saw myself na puwede pala akong maging cover ng FHM, I never really saw myself doing something sexy. 
 
“But when I see the cover, it’s a very empowering feeling. I feel more confident sa sarili ko kasi nagawa ko ang isang bagay na akala ko never kong magagawa for the longest time. And the fact that people appreciated it, really makes me happy as well,” pagtatapos ni Max.
 
Featured also on FHM 15th anniversary are comedienne Eugene Domingo, Direk Joyce Bernal, news reporter Atom Araullo and 11 other incredibly talented personalities.

Photo credit to max collins' IG