• Home
  • Fresh Scoops
  • Gov. Vilma Santos shares list of favorite films she wishes to be restored

Gov. Vilma Santos shares list of favorite films she wishes to be restored

The actress is very grateful for the restoration of some of her films for today’s generation to see.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/9/2015 4:07 PM
Gov. Vilma Santos shares list of favorite films she wishes to be restored


020915-vilma1_main.jpgSa ginanap na ‘Vx3’, na viewing ng tatlong digitally restored na pelikula ni Gov. Vilma Santos –  ang Bata, Bata Paano Ka Ginawa sa direksyon ni Chito Roño, Anak sa ilalim ng direksyon ni Rory Quintos at Kapag Langit Ang Humatol sa direksyon naman ni Laurice Guillen – dumating mismo ang Star for All Seasons kasama ang ilang kasamahan kanyang mga pelikula.

Kinuha niya na din ang pagkakataong ito na magpasalamat sa pagbibigay ng chance sa bagong henerasyon na mapanood ang kanyang mga pelikula. “Maraming maraming salamat po. Pagkakataon ko na rin na magpasalamat sa binigay sa akin na pagkakataon para mapaganda pa yung sinasabi natin na classic films pa na nagawa ko para mapanood naman ng mga kabataan ngayon.” 

Nanawagan na rin si Gov. Vi na sana ay mahanap pa ang ilan sa mga dating pelikula na kanyang ginawa na hindi pa rin mahanap maging sa ating film archives sa ngayon. “Yun din, sayang kasi magaganda yun. Chineck na din sa archives pero wala. I just hope na makita pa rin nila kahit sa ibang bansa. Meron akong film na nakita sa Malaysia eh, but siguro pagkakataon na rin ito na masabi natin na hindi lang po ako, siguro with other stars na nabibigyan ng pagkakataon na mapanood nila ngayon ng HD na po na maituturing na institusyon o classic films. Panoorin niyo po lalo na ang kabataan ngayon. It’s beautiful, yung mga kabataan po ginawa po ito para sa inyo kasi po yung mga ganitong pelikula, modesty aside, mahirap na maulit ngayon so ito po yung mga ace directors na nagdirek nito pumanaw na, pero these are the films na masasabi po naming ipinagmamalaki po namin at classic films kung ituring. Panoorin niyo po, malaking karangalan yan sa aming mga artista.”

Ibinahagi din ni Gov. Vi ang ilan sa mga personal niyang paboritong mga pelikula na kung mabibigyan ng pagkakataon ay nais niyang marestore at maipalabas para sa mga manonood ngayon. “Naku, sa totoo lang marami pero I think yung T-Bird at Ako ay gagawin na nila. Yung Karma daw. Pero yung gusto ko, gutso ko maulit yung Dolzura Cortez, baka Relasyon baka pwedeng ma-restore ang Relasyon, ang Burlesque Queen, Pagputi ng Uwak, Pag-itim ng Tagak, Dyesebel, Darna, Pahiram Ng Isang Umaga, ang dami kasi.”

Ibinahagi din ni Gov. Vilma ang rason kung bakit importanteng mapanood at malaman lalo na ng mga kabataan sa ngayon ang mga pelikulang ginawa noon na nirerestore sa ngayon. “You see computer world na tayo, we cannot fight technology anymore, so itong mga films na ito pinaghirapan ang mga ito. Wala pang teknolohiya ito nung ginawa so you can just imagine yung effort ng production, ng crew, ng direktor, even the actors. And yung mga ginawang pelikula nung araw, one thing I can be proud of at kaya ko ipagyabang, salamin ng buhay talaga. Ako nabigyan ng pagkakataon na gumawa ng mga pelikulang pambabae. So ipinakita kung ano ang isang babae, pwedeng naaapi, lumalaban, pwedeng liberated. These are the films na masasabi nating salamin ng buhay.”