• Home
  • Fresh Scoops
  • James Yap wants Bimby to meet relatives on his side of the family and says girlfriend Michela Cazzola gets along with his son.

James Yap talks about future plans with son Bimby and girlfriend Michela Cazzola

James Yap wants Bimby to meet relatives on his side of the family and says girlfriend Michela Cazzola gets along with his son.

BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/06/2015 01:51 PM
James Yap talks about future plans with son Bimby and girlfriend Michela Cazzola
020615-james_main.jpgSa panayam sa tinaguriang “King” ng basketball, ang “The Man With A Million Moves” na si James Yap, naging bukas ang manlalaro na sagutin ang mga tanong ng press tungkol sa kanyang anak na si Bimby. Ibinahagi ni James na masaya siya sa mga positibong nangyayari sa kanyang anak at ang mainit na pagtanggap ng mga tao sa ginagawa nito. Isa na nga ay ang muling pagsabak sa pelikula ni Bimby, ang The Amazing Praybeyt Benjamin. “Masaya na nagulat ako na marunong pala umarte. Masaya ako, masaya.”

Ngunit sa kabila nito may mga negatibo pa ring mga sinasabi ang ilan sa kanilang anak ni Kris Aquino, at ipinagtanggol naman ng ama ang anak sa mga ito. “Tinatawanan ko na lang. Yun nga sinasabi ko na hindi mo hawak isip ng tao so okay lang yan.” Ngunit pinili na lang ni James na huwag nang pag-usapan ang bagay na ito kay Kris. “Hindi na, hindi na. Kahit naman sa akin meron din so wala lang sa akin yun, tatawanan mo lang pero kapag papatulan, lalaki lang.”

Mas bukas na rin ngayon si James na pag-usapan ang mga ginagawa nila ni Bimby sa mga pagkakataong nagkakasama sila. “Siyempre basketball, at least medyo nagustuhan niya na basketball ngayon and Playstation, PSP, yun yung mga bonding namin.” Pero sinabi niyang hindi pa nakakapag-sleep over si Bimby sa kanya, “Nope, wala pa, hindi pa, wala pa talaga. Well hintayin ko na lang siya na magsabi na, ‘Papa gusto ko matulog sa iyo,’ kasi sa ngayon hindi pa yata siya papayagan kasi bata pa so tignan na lang natin paglaki.”
 
At kung sakaling mabigyan ng pagkakataon na makasama niya ng matagal ang anak, nais niyang dalhin sa Negros ang anak, kung saan siya lumaki. “Bago mag-abroad sa Escalante muna, sa province ko muna dahil para makita niya, makilala niya mga pinsan niya dun, mga lolo at lola niya dun, tito at tita niya, makilala at makita niya kung saan siya galing.”

Nang tanungin siya kung nasubukan na ba niyang ipaalam ang anak kay Kris, “Hindi ko na tinatanong kasi alam ko naman eh, alam ko na yung sagot so hindi ko na pipilitin basta ang mahalaga e nakikita ko anak ko, next time na lang yun o saka na lang yun.” Nagpapasalamat pa rin siya na maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Kris at nakakasama niya ang anak. “Thank God yung yung pinagpe-pray ko na maayos ang lahat so yun yung pinakaimportante dun na okay tayo na wala tayong problema.”


020615-james_main.jpgSa pagitan naman ni Bimby at ng kanyang girlfriend na si Michela Cazzola, sinabi ni James na maayos naman ang turingan ng dalawa sa isa’t isa, kahit na tatlong beses pa lang nagkakasama sila. “Okay naman, okay naman. Sa tingin ko type naman nila yung isa’t isa. Si Michela naman magaling makisama so marunong din sa bata, hindi naman ako nahirapan sa kanilang dalawa.”
 
Ibinahagi din ni James ang obserbasyon niya sa anak ngayong nagkakasama na sila, “Kris na Kris e. Sinasabi ko kay Kris na ikaw na ikaw lalaki version, tuwang-tuwa naman siya, pananalita o mga rekasiyon. Siyempre hindi naman natin maiwasan kasi halos diyan sa lumaki, diyan talaga siya lumaki sa nanay niya at lagi niyang kasama.”

Kaya naman nang matanong si James kung siya ang masusunod kung paglaki ni Bimby ay maging basketball player ito o tuluyang ng mag-showbiz, “Siyempre kung may choice ako basketball. Yun nga sabi din ni Kris na once na magbasketaball ka, sabi din ni Kris na kailangan higitan mo Tatay mo ‘di ba? So yung pressure nandun pero for me okay lang din kung aong gusto niya.”