• Home
  • Fresh Scoops
  • Max Collins on rumored romance with Geoff Eigenmann: ‘It’s very scandalous’

Max Collins on rumored romance with Geoff Eigenmann: ‘It’s very scandalous’

Max Collins denies she’s the reason behind the Geoff Eigenmann-Carla Abellana breakup.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

2/4/2015 10:09 AM
Max Collins on rumored romance with Geoff Eigenmann: ‘It’s very scandalous’


020415-max_main.jpgHindi malinaw sa naging pahayag ni Max Collins kung meron siyang love life ngayon o bagong boyfriend. Ayon kasi sa dalaga, “Siguro one year na ring wala, eh,” pahayag agad niya.
 
Kaya lang sa pagpapatuloy ng interbyu namin ay idinagdag niya na, “‘Yung ina-announce na ‘official boyfriend’ wala akong ganu’n ngayon, pero… parang mas gusto kong tahimik muna…” na tila may gusto pa sana siyang sabihin about her love life kaya lang nagho-hold back siya.

Naiisyu na rin si Max at si Geoff Eigenmann ngayon. Bukod kasi sa pareho silang talent ni Perry Lansigan sa PPL Entertainment ay partner din sila sa bagong soap.

Pero diretsang sinabi ni Max na ayaw niyang ma-link sa actor at sabihin ng tao na siya ang ipinalit nito sa ex-girlfriend na si Carla Abellana. “Naku, ayoko pong isipin ‘yon. Parang it’s very scandalous masyado, ‘di b a? Huwag po,” reaksyon niya.

Samantala, masaya si Max to be reunited with former Kapamilya star Empress Schuck. Nagkasama ang dalawa noon sa hit series ng ABS-CBN na Rosalka at ngayon ay pareho ng Kapuso stars.
 
“Nagkatrabaho na kami before kaya masaya ako na muli kaming magkakatrabaho ngayong nandito na siya. I love working with her. Nakakatuwa lang kasi, dati sa show niya, sa Rosalka, ako po yung kontrabida niya, so nakakatuwa na magkasama po kami ulit ngayon after so many years,” sey ni Max
 
Aminado ang dalaga na hindi sila ganu’n ka-close ni Empress nung pareho pa silang nasa ABS-CBN. “Dati po, hi, hello lang. Friends naman po kami, pero mas naging close kami ngayon. Marami rin kaming bonding moment lalo na kapag nasa out-of-town kami.”

Inamin din ni Max na nai-intimidate siya sa galing sa pag-arte ni Empress. “Na-intimidate po talaga ako, hindi ko itatago ‘yon. As in, sobra. Alam kong napakagaling ni Empress kaya mas na-inspire ako to be better and to do better. Kasi nakikita ko kung gaano siya ka-professional pagdating sa trabaho.
 
“Si Empress, isa siya sa mga best actresses na nakatrabaho ko. Ang galing niya talaga,” papuri ni Max kay Empress.

Main Photo credit to http://4.bp.blogspot.com/