• Home
  • Fresh Scoops
  • Gabby Concepcion and Lorna Tolentino are grateful for GaLor fans

Lorna Tolentino reveals who it is that makes her happy these days

Gabby Concepcion and Lorna Tolentino are grateful for GaLor fans

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/25/2015 08:54 AM
Lorna Tolentino reveals who it is that makes her happy these days
022415-galor_main.jpgSa Aquino and Abunda Tonight, masaya si Gabby Concepcion at Lorna Tolentino na mayroong GaLor fans na sumusuporta sa kanilang “love team.”

Tinanong si Gabby kung bakit solid ang nabuong love sa pagitan nila ng kanyang anak na si KC Concepcion. Sinabi ni Gabby na 10 years old na si KC nang mawalay siya dito kung kaya hindi na nawala ang bond nila. Kwento pa niya, kahit na matagal silang nawalay sa isa’t isa, alam pa rin niya na si KC ang boses na nasa kabila ng telepono nang tawagan siya nito after 13 years na wala silang communication.
 
Kinuwento diumano ni KC sa host na si Kris Aquino na marami siyang nakuha kay Gabby katulad ng pagiging athletic nito.

Masaya naman si Lorna kahit wala siyang love life sa ngayon. Ayon kay Lorna, nae-enjoy niya ang kanyang apo na si Lyla Victoria dahil kasama niya ito every weekend. Open din naman si Lorna na magkaroon na ng love life.

Ayon kay Gabby at Lorna, ngayon may edad na sila ay mas nakukuha na nila ang tamang timpla pagdating sa larangan ng pag-arte.

Main Photo credit to starcinema IG