EXCLUSIVE: Forevermore set visit with Liza, Enrique and Diego

Enrique Gil says Liza is his 'girl version'

EXCLUSIVE: Forevermore set visit with Liza, Enrique and Diego-Jeff  Fernando
BY
Jeff Fernando

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

02/26/2015 07:18 AM
EXCLUSIVE: Forevermore set visit with Liza, Enrique and Diego
022515-forevermore-main.jpgNabulabog ang mga kalye sa Pandacan, Manila dahil dito nagaganap ngayon ang taping ng mga eksena ng top rating teleserye na Forevermore. Exclusive natin nakausap ang tatlong lead stars ng serye na sina Liza Soberano, Enrique Gil at Diego Loyzaga na busy sa paghahanda ng kanilang mga eksena.

Para kay Liza, malaking blessing sa kanya ang pagdating ng kanyang role bilang Agnes na siya ng tawag sa kanya ng fans kapag nakikita siya ng personal.

“Laging busy kasi laging for airing ang ibang scenes na sinu shoot naming tapos po nakakatuwa ang dami lagi tao na bumibisita sa amin lagi kami masaya, happy set lang. nakakatuwa po na Agnes ang tawag sa akin ng mga tao kapag nakikita nila ako kasi ibig sabihin tumatak na sa kanila ang role ko sa kanila. Parang naging icon in a way si Agnes”

Sa fans naman na nahahati ngayon dahil pumasok na ang character na Jay na ginagampanan ni Diego Loyzaga, nagseselos naman ang mga boto pa rin kay Xander na role ni Enrique.

“Maganda po yun at least alam natin na may nagmamahal sa lahat ng characters at naintindihan nila ang situation ng lahat ng characters and nanonood talaga sila lalo na ang mga kinikilig sa Agnes-Jay tandem kasi iyung iba kung solid fan ka ng i parang ayaw kaagad nila kay Jay jealous sila pero sana maintindihan naman nila ang side ng character ni Diego,”  sabi pa ni Liza. 

Aminado naman sina Enrique at Liza na malapit sila ngayon sa isa't isa at ayon kay Enrique, malaking factor dito ang marami nilang pagkakapareho sa ugali.

“Si Liza para sa akin kung ano ang nakita ko sa sarili ko, girl version ko siya iyun ang pinaka best na makaka describe sa kanya.”

Sa ngayon hanggang pagkakaibigan lang muna ang status ng dalawa at career daw muna ang uunahin.

“May understanding naman kami na sa ngayon we want to keep kung ano ang meron kami na magkaibigan kami at yung closeness tapos po hanggang doon na lang muna we will see naman po. Parang bestfriend kop o siya sa showbiz I trust him a lot kasi nasasabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko everyday parang if I have thoughts nakikinig lagi siya.”

Si Diego naman, laging binibisita ng kanyang ina, ang former actress na si Teresa Loyzaga sa set. Proud daw  ito sa kanyang pag ganap sa hit serye.

“Ok lang po sa akin na ganun ang maging reaction nila ibig sabihin po tama ang ginagawa ko at maganda ang acting ko sa character ko dito as Jay," sabi ni Diego. 

In between takes, makikita natin ang closeness nina Liza, Enrique at Diego na makikita naman sa mga eksena nila gabi gabi sa Forevermore.

022515-fm1_main.jpg

022515-fm2_main.jpg

022515-fm3_main.jpg

More photos HERE