• Home
  • Fresh Scoops
  • As Toni renews her contract with ABS-CBN, she also reveals preparations for her upcoming wedding.

Toni Gonzaga's new contract with ABS-CBN adjusted because of changes in her personal life

As Toni renews her contract with ABS-CBN, she also reveals preparations for her upcoming wedding.

Toni Gonzaga's new contract with ABS-CBN adjusted because of changes in her personal life-Krissa Donida
BY
Krissa Donida

FRESH SCOOPS

02/24/2015 09:55 AM
Toni Gonzaga's new contract with ABS-CBN adjusted because of changes in her personal life
022315-toni_main.jpgKanina, February 23, ay muling pumirma ng 3-year contract si Toni Gonzaga sa ABS-CBN. Aniya, “I am celebrating my 10th year as a kapamilya and I am happy to renew my contract with them. Talagang in my heart talaga, I am certified and forever a Kapamilya.”

Ibinahagi din ni Toni ang ilan sa kanyang mga gagawin sa loob ng tatlong taon sa Kapamilya network, “Yun I feel really blessed to sign a contract, three years pa as a Kapamilya and I’ll still be doing the same shows that I am doing now and we have a new reality show that we are starting and we are gearing up for the 10th year of PBB. We are opening it up this June.”

At matapos ang napakaraming taon sa pagho-host ng iba’t ibang shows ng ABS-CBN, kinumpirma ni Toni na magbabalik-teleserye ang Ulitimate Multimedia Star, “I think I’m going to be doing, finally after a long time, a teleserye. Parang first time ko ata in 8-9 years. Yung una kong soap talaga was with Dreamscape, Crazy For You pa. Una ko sa ABS-CBN kasi nagconcentrate ako sa mga reality shows kaya yun magkakaroon kami ng pitching so hopefully magmaterialize lahat pero excited kami sa pelikula na ginagawa namin ni Coco.”

Siniguro naman ni Toni na hindi maapektuhan ng pinirmahan niyang kontrata ang personal niyang buhay lalo pa ang inaabangan nilang kasal ni Direk Paul at ang buhay nila pagkatapos. Aminado si Toni na kaya din natagalan ang pagpirma niya ng kontrata dahil isa iyon sa mga kinailangang ayusin, “Kasama na siya sa kontrata, oo, kasama na siya kaya siguro natagalan din kasi may mga inayos, mga konting adjustments sa contract but definitely one thing na ma-assure ko sa audience ko for those people that love me and support me, no matter what happens I am still a kapamilya, I will always be a kapamilya and lets just see where life takes us.” (continued on next page)


022315-toni_main.jpgAyon kay Toni, sa susunod na taon o maaring pagkatapos ng susunod na taon pa ang plano nila magkaanak at siniguro ni Toni na nakasama na din ito sa pinirmahang kontrata at kung magkakaproblema ba kung sakali, “Hindi naman siguro kaya medyo natagalan sa pag-aayos ng contract kasi yun siguro yung konting adjustment but definitely its within the contract kung ano ang mangyayari sa  akin in the future.  May adjustment and flexible yung contract sa whatever will happen in my personal life, which I am very happy, kasi iba talaga magmahal ang Kapamilya.”

Nang matanong naman kung may mga detalye na ba siyang pwedeng maibahagi para sa kanilang kasal, “I already have a wedding dress, yun muna siguro. Hindi ko pa masabi kung ano yung wedding dress, kapag malapit na para hindi maudlot. Nag-fitting na, magfa-final fitting na lang, I will fly back for the final fitting.”

Sinabi naman niya ang kanyang dahilan kung bakit hindi niya maisapubliko pa kung kailan eksakto ang kanilang kasal at iba pang mahahalagang detalye tulad ng saan at kung sino na ang kanilang nasa entourage, “Siguro right now ang masasabi  ko pa lang definitely its going to be this year but its going to be right after, tatapusin ko muna yung film kasi I also committed to finishing the film with Coco, tatapusin muna natin yun and then saka pwedeng sabihin kung kailan yung date, yung month ng wedding. I want to focus muna yung movie and also with respect to Coco, I can really show him that I am really focused with the project.”

CHECK OUT PHOTOS OF TONI'S CONTRACT SIGNING HERE