• Home
  • Fresh Scoops
  • Inigo Pascual says his Mom is his best friend and his go-to when he was bullied in school

Iñigo Pascual gets emotional while talking about his mom

Inigo Pascual says his Mom is his best friend and his go-to when he was bullied in school

BY
Cristina Malonzo-Balane

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

02/17/2015 07:16 AM
Iñigo Pascual gets emotional while talking about his mom
021615-inigo_main.jpgSa The Buzz, naging emosyonal si Inigo Pascual nang tanungin siya tungkol sa kanyang Mom na si Donnabelle Lazaro. Ang kanyang mommy ay nakakasama ni Inigo sa kanyang mga appearances pero hindi diumano ito “stage mom” at kalimitan ay tahimik lang ito.

Sinabi ni Inigo na best friend niya ang kanyang ina. “We’re very close. She’s my best friend and she’s been with me my whole life.” Ikinuwento ni Inigo na mayroong panahon noong nag-aaral pa siya na bullied siya at lagi niyang kinakausap ang mom niya tungkol sa mga problema niya sa school. Music daw kasi ang interes ni Inigo at hindi siya “into soccer” kung kaya wala siya noong mga kaibigan. 

Isang beses daw ay nakita ng kanyang ina ang picture ng girlfriend niya na ginawa niyang wallpaper at na-lock ang phone niya dahil pinakilalaman ito ng kanyang mommy. Gusto kasi nitong malaman kung sino ang babae. Simula raw noon ay sinasabi na lang niya ang lahat kay Donnabelle, kahit tungkol sa girls.

Binigyan din siya ng Valentine card ng kanyang ina kung saan sinabi nito na si Inigo ang kanyang “my forever Valentine.”