• Home
  • Fresh Scoops
  • Eula admits she still has to get her former marriage annulled.

Eula Valdez says she has no wedding plans yet with Rocky Salumbides

Eula admits she still has to get her former marriage annulled.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

02/14/2015 12:50 PM
Eula Valdez says she has no wedding plans yet with Rocky Salumbides
021315-eula_main.jpgLabis na ikinaiirita ni Eula Valdez ang nararamdmang symptoms ng kanyang pagme-menopause. Madalas daw nag-iinit ang kanyang tenga at nagkakaroon ng hot flashes.
 
“Hindi na kasi ako bata, 46 na ako, eh. Yang menopause na yan, nakakaloka pala talaga siya. As in nakakaloka talaga!” kuwento ng aktres.
 
Idinagdag din niya na madalas din siyang magkaroon ng anxiety attack. Posible rin daw na isa sa dahilan nito ay dahil hindi niya kasama ang model boyfriend na si Rocky Salumbides na kasalukuyang nasa Amerika.
 
“Oo, isa rin siguro ‘yon kaya nagkakaroon ako ng anxiety attack. Biglaan kasi yung pagpunta niya sa America. November pa siya sa States. March 6 pa ang balik  niya.  Ngayong Feb, may Fashion week sa New York, sayang daw ang opportunity baka sakali daw.”
 
Masaya si Eula sa relasyon nila ni Rocky. Kasundo rin daw ito ng kanyang dalawang anak -- sina Miguel at Julianna. Kaya lang, wala pa raw silang balak magpakasal.
 
“Malabo pa, eh. Kasi hindi pa ako annulled. Siguro, pag-annulled na ako… Wala pang nagpa-file, eh. Wala pa. Saka na siguro,” sabi pa ni Eula na inaming kasal pa rin hanggang ngayon sa ama ni Julianna na si Richard Litonjua na naka-base ngayon sa Australia. 
 
Si Miguel ang panganay na anak ni Eula sa dating karelasyong si Ronnie Quizon. Binata na  si Miguel at kumukuha ng Film sa De La Salle University. If ever na papasukin daw nito ang showbiz, Miguel Valdez ang gagamitin nitong screen name.
 
“Hindi raw niya gagamitin (ang Quizon). Pero wala naman siyang ano sa mga Quizon… Nu’ng kami pa ni Ronnie, ang sabi niya ia-adopt niya si Miguel para maging Quizon, kasi hindi pa kami kasal di ba? And natapos na yung pagsasama namin and all, hindi pa rin niya ginagawa. 
 
“So parang sabi ni Miguel, bakit pa? At saka bukod  do’n, lahat ng papeles niya ay Valdes, hindi naman Quizon,” pagri-reveal ni Eula.
 
Nagbibigay ba ng financial support si Ronnie sa anak nila?
 
“Lately hindi nagpaparamdam si Ronnie, only God knows… In fairness naman kay Ronnie, okay kami, kaya lang hindi siya nagpaparamdam lately…
 
“Regarding financial support, hindi naman namin pinag-uusapan ‘yan, Hindi ko naman siya hinihingan,” pag-amin pa niya.