Aktor, may bonggang bahay na worth 30M?

BY
Ogie Diaz

FRESH SCOOPS

02/10/2015 06:02 PM
Aktor, may bonggang bahay na worth 30M?
021015-ogie.jpgMaganda at bonggang bahay worth P30 million. Ito raw ngayon ang ipinagmamalaki ng isang aktor sa kanyang mga kaibigan 'pag iniimbita niya ang mga ito na dalawin siya sa kanyang house.

Sa facade pa lang ng bahay ay talagang bumibilib na ang mga bumibisita. Lalo pa kapag napasok na nila ang bahay. Nanlaki raw ang mga mata nila sa pag-"Wow!" at may nagsabi pang, "Is this a house or a mansion?"

Kaya nung umaalis na ang mga bisita, nagtataka sila kung, "Paano niya kaya na-acquire yung bahay na ganoon kalaki? Unbelievable naman kung sa showbiz lang lahat niya lahat 'yon na-achieve dahil hindi naman siya ganoon ka-busy at hindi naman siya kalakihang artista na ginagawang weekly show ang pag gawa ng TV commercial, 'di ba?"

Ang nakakaloka pa, ayon sa aking source, "Naku, mama, nagte-taping siya ngayon ng isang teleserye. Juice ko, pag nakita mo ang sasakyan niya, ang gara din. Ilan ang kotse niya sa bahay at ang mga gamit niya, mga signature brands. As in wow! Ang mamahal! Mula sapatos hanggang sa mga coat na ginagamit niya.

"At saan ka pa, ang mga shoes, puro branded. Hindi mo kakayanin ang mga tatak. Talagang 'pag namili ang wardrobe kung anong susuotin niya, ipapakita na lang niya lahat ng sapatos niya at magugulat na lang ang wardrobe consultant.

"Eto pa, take note. Pati mga relong gagamitin sa eksena, kanya lahat at puro mamahalin. Ang mga presyo ng bawat isa, mababa na ang two hundred thousand pesos at milyon pa yung iba. Kaya kahit hindi ka malisyosang tao o hindi ka inggitera, mapapa-iling ka na lang at sasabihin mo, 'Saan galing lahat 'yon?'

Well, noon pa naman ay natsitsismis na ang batang ito na may filthy rich gay benefactor na kung totoo man, sa totoo lang, sino naman tayo para ikondena ang batang ito, 'di ba?

At least naman, kung sa rich benefactor niya naman nakuha ang lahat ng meron siya, na ipinagtataka ng mga kaibigan niya, eh hindi naman sa droga o pambababae o sa sugal napupunta ito, di ba? Kundi sa kanyang pinakamamahal na pamilya. Yes, pamilya!

Dahil marami nang ganitong eksena sa showbiz na porke't easy money, ayun, easy go rin kaya 'pag wala nang benefactor, walang ipon-- nganga at nakatingin sa kawalan.

Yes, nakatingin sa kawalan.

Samantala, makinig ka naman sa radio program namin ni MJ Felipe, ang OMJ, sa DZMM 630khz sa inyong AM band, every Saturday, 9-10pm. Mapapanood din sa DZMM Teleradyo sa Sky Cable Channel 26 at sa Destiny Cable Channel 25 atpuwede ring mapakinggan online, log on lang sa www.dzmm.com.ph.