• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gelli de Belen shares how she’s preparing for Christmas

EXCLUSIVE: Gelli de Belen shares how she’s preparing for Christmas

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

12/9/2015 9:39 AM
EXCLUSIVE: Gelli de Belen shares how she’s preparing for Christmas


120915-gelli_main.jpgExclusive na pinapasok ni Gelli de Belen sa kanilang tahanan ang Push.com.ph para ipakita at ikuwento ang story sa likod ng kanilang Christmas Tree na sentro ngayon ng kanilang living room sa kanilang bahay.

"Seven years na yan and love na namin ang Christmas Tree na yan kaya di pinapalitan. Seven feet siya and pati ang mga decors na nakasabit dyan naipon na rin thru the years yung iba bigay ng mga kaibigan namin ni Ariel (Rivera)."

Kina-career daw ng kanilang family ang annual na pagtatayo ng kanilang Christmas Tree at paglalagay ng holiday decorations sa kanilang bahay. At kapag Pasko na, traditional ang nagaganap na celebration sa kanilang pamilya.

"Nasa abroad na kasi ang family ni Ariel so kasama na namin siya at brother niya sa de Belen get together. Madalas nag-coordinate kami ni Janice hindi na ako kuma-career sa food dahil chef ang kapatid ko kaya madalas ako sa drinks or sa dessert."

Thankful din si Gelli sa sunod-sunod niyang guesting sa Kapamilya Network at napanood na siya sa Tonight with Boy Abunda at sa Kapamilya Deal or No Deal.

"Maraming magagandang blessings na paparating next year at sana matupad lahat yan dahil babalikan natin ang pag-arte na matagal ko ng ‘di ginagawa," pagtatapos ng aktres.