Vhong Navarro clears up rumors that ‘It’s Showtime’ will only be until February 2016 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

Vhong Navarro clears up rumors that ‘It’s Showtime’ will only be until February 2016

Vhong Navarro clears up rumors that ‘It’s Showtime’ will only be until February 2016

Leo Bukas

Clipboard

120815-vhong_main.jpg“Wala po akong bayad do’n!”


Ito ang iginiit ni Vhong Navarro nang taungin namin siya kung totoong tumanggap siya ng P6M para mapasama sa political ad ni Mar Roxas na tumatakbong president sa 2016.


“Medyo mahaba-haba pa pong proseso yan, eh,” dagdag pa niya.


Ayon pa sa bida ng Buy Now, Die Later na entry ng Quantum Films sa Metro Manila Film Festival, pag-uusapan pa raw nila ng manager niyang si Chito Rono ang tungkol sa bagay na yon.


“Basta po mahaba pa po. Hindi pa po namin napag-uusapan ni Direk Chito kung ano po yung talagang... Kasi pag-uusapan pa po namin yan. Pero wala po akong perang tinatanggap.


“Basta po, may mga bagay pa pong kailangan naming ayusin. Pero nililinaw ko lang po, wala po akong perang tinatanggap,” diin pa niya.


Natanong na rin namin si Vhong kung totoo ang balitang hanggang February of 2016 na lang ang noontime variety show nilang It’s Showtime.


Ayon sa comedy actor, wala raw siyang alam tungkol dito.


“Sa amin, wala naman pong sinabing ganun, na hanggang February (2016) na lang yung show,” takang-taka niyang pahayag.


“Kami po kasi, pumapasok po kami para magpasaya ng tao, ibinibigay lang po namin kung ano po yung kailangan sa amin ng mga solid Showtimers o kung ano yung gusto ng mga nanonood sa bahay na walang ginagawa.


“Binibigay lang po namin yung best namin. Sumusunod lang po kami sa kung anong pinapagawa sa amin. Pero do’n sa sinasabi nila na hanggang Feb. na lang kami, ako po, hindi ko pa po naririnig. Honestly, hindi ko pa po alam,” paglilinaw pa niya.


Eh paano kung sakaling hanggang February na lang ang Showtime?


“Kung sakali, naku wag naman po. Kasi ang tagal na rin po, eh. Seven years na po. Sana naman po wag,” reaksyon niya.


“Willing naman po kami kahit anong ipagawa nila o para madagdagan o kung magre-reformat. Pero sana kung magre-reformat, ando’n pa rin ako. Kasi yon yung strength naming mga hosts, eh, yung magkakasama kami,” sey pa niya.


Ibinalita naman ni Vhong na gumaganda na ulit ang ratings ng kanilang show.


“Sa awa po ng Diyos, medyo gumaganda po ulit yung ratings namin, bumabalik po yung dating Showtimers,” masaya niyang pahayag.


Samantala, hindi nag-i-expect si Vhong na magiging top grosser ang Buy Now, Die Later nila ni Alex Gonzaga.


“Hindi ako nag-i-expect ng number one or number two, basta ako po, nagawa ko yung isa sa dream role ko sa pelikula.


“Masaya na akong maka-P100 million,” pabiro niyang pahayag na posible rin namang magkatotoo dahil horror-comedy ang kanilang pelikula na pumapatok kapag MMFF.


Read More:

Celebrity

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.