Napuno diumano ng mga nakikiramay ang tirahan nina Angelica bago dinala ang mga labi ni Teresa sa simbahan.
Kabilang sa eulogy ni Angelica para sa nanay ang kanyang pagsisisi na sana ay mas naiparamdam niya ang pagmamahal sa kanyang Ina noong buhay pa ito. “Paano kung nasabi ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Paano kung mas binigyan ko siya ng atensiyon. paano kung mas naging mabuting anak ako sa kanya,” mangiyak-ngiyak na sabi nito.
Nagsuot ng puting tshirt ang mga kapamilya at kaibigan ni Teresa bilang simbolo ng paghingi ng hustisya sa kanyang pagkamatay.
Para kay Angelica, kung may magandang idinulot ang pagpanaw ng ina, ito yung mas naging malapit sila sa isa’t isa ng kanyang pamilya. “Nakita ko na mas nagkaisa ang pamilya natin ngayon, na nagpunta ang maraming nagmamahal sayo Mommy. Siguro nga, napakabuti mong tao kaya kinuha ka agad ni Lord.”
Kamakailan lumapit si Angelica sa NBI para isumite ang cellphone ni Teresa upang magamit sa imbestigasyon. Kasama sa tinitingnan anggulo ang mga dating karelasyon ni Teresa.