• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jerome Ponce wants a complete family reunion this Christmas

EXCLUSIVE: Jerome Ponce wants a complete family reunion this Christmas

Jerome Ponce reveals his plans for the holidays.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

12/7/2015 6:13 PM
EXCLUSIVE: Jerome Ponce wants a complete family reunion this Christmas


120615-JEROME.jpgMukhang magiging first and last team-up nina Jerome Ponce at Janella Salvador ang pelikulang Haunted Mansion ng Regal Films na entry sa darating na Metro Manila Film Festival sa December 25. Malabo na rin silang maging magka-love team sa TV dahil ipapareha na si Janella kay Elmo Magalona.

“Nasabi naman sa akin ni Janella yung tungkol do’n at naintindihan ko naman yon. Wala naman talagang puwedeng permanente, di ba?” reaksyon ng binata.

“Saka yung sa amin, sa movie pa lang naman kami talagang nagsama bilang magka-love team kaya hindi pa rin masyadong establish yung sa amin… I wish her all the best,” sabi pa ni Jerome.

Handa rin naman daw siyang makipagtrabaho sa ibang young actress bukod kina Janella at Jane Oineza na partner niya sa series na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita.

“Wala naman pong problema sa akin. Kung sino ang ibigay (ng management) na kapartner ko, tatanggapin ko,” sey pa niya.

May specific name na binanggit si Jerome from Star Magic artist na gusto niyang makatrabaho in the future.

“Si Julia (Barretto), gusto ko siyang makatrabaho. Yon ay kung mabibigyan ng chance. Hehehe!” natatawa niyang pahayag.

Bukod sa pagsakay sa float sa MMFF Parade of Stars, ano pa ba ang Christmas plans niya?

“Christmas plans? Ah, kukumpletuhin ko yung mga kapatid ko – merong nakatira kay Mama sa Cavite, meron kay Papa, tapos meron na ring may pamilya. Pupunta kami sa bahay ni Papa tapos sa bahay ng tita ko, katulad ng dati. Mamasko rin kami, walang magbabago, basta kumpleto kami.”

Eh, ano namang Christmas wish niya?

“Sana, masaya naman yung next year ko. Kasi ngayon, masaya ako ngayong taon na ito kaya sana next year, masaya rin ako, yon ang Christmas wish ko.

“Kung gamit ang tatanungin, wala naman akong… hindi naman ako mahilig sa material na bagay. Love life naman, okey lang yan, eh. Nandiyan lang naman yan kung gugustuhin. Pero wala akong love life… sigurado ako do’n,” kuwento niya.

Balak na ring bumili ng bahay ni Jerome kung magtutuluy-tuloy ang trabaho niya sa showbiz.

“Yon ang next kong target, bumili ng bahay. Kasi, sabi ko nga sa yo, tapos ko nang bayaran yung Fortuner ko, three years ko ring hinulugan yon. So, kung magtatagal pa ako dito sa showbiz industry, kung mabibigyan pa ng maraming trabaho, gusto ko talagang makabili ng bahay,” he said.

Samantala, bukod kay Janella, kasama rin ni Jerome sa Haunted Mansion si Marlo Mortel, Janice de Belen at Iza Calzado. Ang pelikula ay sa direksyon ni Jun Lana.